Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa

Conversations With God

ARAW 2 NG 14

Kapag handa nang kumilos ang Diyos sa ating buhay, magbubukas ang mga paghahayag sa mga araw—kahit sa mga sandali, at maaari tayong makarating sa mga lugar ng pananampalataya at kasanayan na hindi natin ganap na kilala dati. Ito ang patotoo ng ganitong uri ng paggising na espiritwal sa aking buhay.



Nagsimula ang lahat nang marinig ko na ang bayan ng Diyos ay tinawag upang magkaroon ng isang personal na ugnayan sa Espiritu Santo. Nabasa ko ang tungkol sa Espiritu Santo sa Banal na Kasulatan, na kumilos sa pamamagitan ng Kanyang mga kaloob, nasiyahan sa Kanyang presensya, at namunga ng Kanyang prutas ngunit hindi ko Siya kilala. Kung paano ko napalampas ang kaugnayan na bahagi ng buhay sa Espiritu, hindi ko alam. Gusto kong makilala ang Espiritu Santo bilang Diyos na kasama ko. Ngunit paano makakahanap ang isang ina ng tatlong maliliit na anak ng oras at lakas upang makipag-usap nang masinsinan sa Diyos nang hindi nagagambala?



Natapos ko ang pag-aayos ng isang sulok sa garahe na may mga materyales sa pag-aaral, isang upuan, at isang hindi ginagamit na mesa, at pagkatapos ay itinakda ang alarm clock sa 4:30 ng umaga, oo, 4:30 ng umaga! Gutom ako sa espirituwal. 



Nang tumunog ang orasan na hudyat upang bumangon na, kinulit ko ang aking sarili ng isang matigas na panayam sa kaisipan tungkol sa kahalagahan ng aking pakikipagsapalaran hanggang sa maisantabi ko ang aking kumot. Ang pagpapakapagod sa garahe ay hindi isang gantimpala para sa pagsisikap. Hindi maiiwasan, natagpuan ko ang aking sarili sa loob kasama ang isang makulit na lamok. Namumula ang aking mata na halos hindi makatuon. Narito na ako, ngunit ano ang susunod? Paano nga ba makikila ang Espiritu ng Panginoon? 



Bilang panimula sinimulan ko sa pag-awit at pagbabasa nang malakas ng Biblia dahil ito ang pinakamahusay na paraan upang manatiling gising, ngunit makalipas ang ilang buwan ay nagkaroon ako ng kagalakan sa disiplina. Natutunan kong umasa sa Espiritu Santo upang ibunyag ang mga saloobin at hangarin ng aking Ama at manalangin sa Kanyang isinisiwalat. Ang banal na kasulatan ay nabuhay sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang gabayan ako. Nanatili sa katapangan ng pananalangin—at sinagot ng Panginoon ang aking mga panalangin. 



Sa malungkot na paunang pakikibaka, halos matukso akong talikuran ang layunin. Ngunit nang sinunod ko ang malakas, paulit-ulit na pagtawag ng Espiritu na lumapit sa Kanya at kilalanin Siya para sa aking sarili, nagawa Niya akong turuan na mahalin Siya bilang isang Persona. Ngayon alam ko mula sa karanasan na nilikha tayo para sa isang malapit na ugnayan ng pag-ibig sa Espiritu Santo. Pinasimulan niya ang lahat ng mga panalangin. 


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Conversations With God

Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo...

More

Nais naming pasalamatan si Susan Ekhoff sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.amazon.com/Prayer-That-Must-Power-Conversational/dp/1496185560/ref=sr_1_1?ie=UTF8&qid=1498693709&sr=8-1&keywords=prayer+that+must%2C+the+power+of+conversational+prayer

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya