Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagtitiwala, Pagsisikap, at PagpapahingaHalimbawa

Trust, Hustle, And Rest

ARAW 2 NG 4

Pagtitiwala


Sa kabuuan ng Banal na Kasulatan, sinasabi sa atin na ang Diyos, at hindi tayo, ang nagbibigay ng bunga sa pamamagitan ng ating paggawa. Sinasabi sa 1 Mga Cronica 29:12 na, "Sa inyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan at kayo ang naghahari sa lahat." Ayon naman sa Deuteronomio 8:17-18, "Kaya, huwag na huwag ninyong iisipin na ang kayamanan ninyo'y bunga ng sariling lakas at kakayahan. Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo."


Sa panahong maaaring magkaroon ng matagumpay na negosyo ang kahit na sino, pagsusulat ng isang mabentang aklat, o ang pagsisimula ng isang kilalang podcast, nakakaakit na isiping ang ating pagsusumikap ang nagbibigay ng bunga sa pamamagitan ng ating sariling pagpupunyagi. Sa makikita natin bukas, iniuutos ng Diyos na tayo ay magsumikap at ginagamit Niya ang ating paggawa upang magkaroon ng bunga sa pamamagitan natin. Ngunit sa pagpasok natin sa anumang bagong gawain, kailangang magsimula tayo sa pamamagitan ng pagkilala sa di-maikakailang katotohanan na ang Diyos ang talagang nagbibigay ng bunga.


Sa Mga Kawikaan 16, si Solomon ay nagtakda ng pagkakasunod-sunod ng pagtitiwala, pagsusumikap, at pamamahinga na siyang dapat maging tanda ng anumang pagpupunyagi nating mga Cristiano. Sa ikatlong bersikulo ng nasabing taludtod, ang pinakamatalinong taong nabuhay sa mundo ay nag-utos, "Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin." Kaya't bago tayo magsumikap, kailangan nating ipagkatiwala ang ating gawain sa Panginoon. Paano ba talaga ito?


Bilang pasimula, ito ay ang pagkuha ng mga bersikulo tulad ng binasa natin ngayon at paglalagay nito sa ating mga puso, upang patuloy na ipaalala sa atin na ang Diyos, hindi tayo, ang nagbibigay ng bunga. Ikalawa, ipagkatiwala natin ang ating gawain sa Panginoon kapag lumalapit tayo sa Kanya sa panalangin at sabihin sa Kanya ang ating pagtitiwala. Pinakahuli, kasabay ng pagsasabi sa Diyos at sa sarili natin ng ating pagtitiwala sa Kanya, mahalaga ring sabihin natin sa mga taong nakapaligid sa atin ang pagtitiwalang ito. Sa isang kulturang ipinagbubunyi ang kakayahang "pagbutihin ang sarili sa pamamagitan ng sariling pagsisikap," tayong mga Cristiano ay inihihiwalay sa mundo kapag tahasan nating kinikilala na ang Diyos, hindi tayo, ang responsable sa pagkakaroon ng bunga sa pamamagitan ng ating paggawa.


Ngunit sa makikita natin bukas, ang pagtitiwala ay isang piraso lamang ng kabuuan. Upang tayo ay maging mabisang kasangkapan sa Tumawag sa atin, kailangan nating lubos na magsumikap sa ating piniling gawain.


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Trust, Hustle, And Rest

Iniuutos sa atin ng Biblia na magtrabaho tayo nang maigi, pero sinasabi rin nito na ang Diyos—hindi tayo—ang nagbibigay ng resulta sa ating ginagawa. Ang apat na araw na planong ito ay magpapakita na ang isang propesyona...

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.jordanraynor.com/trust/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya