Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Pagsubok Sa PananampalatayaHalimbawa

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya

ARAW 5 NG 5

MULA SA PANANAMPALATAYA SA PANANAMPALATAYA





Ang ating pananampalataya kay Cristo ay nagsisimula kapag nagtiwala tayo kay Jesus bilang ating personal na Panginoon at Tagapagligtas. Gayunpaman, ang pananampalataya ay hindi titigil doon. Ang pananampalataya ay ating naging layunin din, at tumutukoy ito sa kaligtasan ng ating mga kaluluwa. "Sapagkat nakamit mo ang hangarin ng iyong pananampalataya, na siyang kaligtasan ng iyong mga kaluluwa" (1 Ped. 1: 9). Upang makamit ito, kailangan natin ang Panginoong Hesus mismo bilang ating gabay. " Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios.." (Mga Hebreo 12: 2). Nais ng Panginoon na magkaroon tayo ng isang malalim na kaugnayan kay Hesus.


Ang tanong ay, si Hesus ba ang  ating naging gabay, modelo, at hangarin sa buhay? Nasaan Siya sa buhay na ito? Nasa labas ba Siya? Kilala ba natin Siya? Kadalasan, ginagawa natin Siyang tagapag-alaga. Maraming tao ang umaasa at humihiling sa Kanya na bantayan ang kanilang buhay, ngunit hindi nila nais na kontrolin ng Panginoon ang kanilang mga barko. Hinihiling natin sa Kanya na protektahan pareho ang ating buhay mula sa banta ng pisikal na pinsala at kawalan ng materyal.


Kung nais nating magkaroon ng tamang relasyon sa Ama, dapat nating gawin at tratuhin ang ating buhay nang higit pa rito. Hindi lamang Siya ang ating bantay. Dapat siya ang din ang ating kapitan ng patutunguhan ng ating buhay. Si Hesus ang ating gabay na magdadala sa atin sa mapagpalayang katotohanan. Siya lamang ang nagdidirekta sa atin patungo sa totoong layunin ng buhay.  Ang ating pokus ay upang matulad sa Kanya sa lahat ng mga bagay.


Ang ating matamlay na relasyon sa Diyos ay walang magagawa. Maaaring wala talaga tayong anumang relasyon sa Ama. Nagpapanggap lang tayo sa nais Niya na maging tayo, kahit na wala nangyayari sa atin. Sinasayang lang natin ang buhay. 


Debosyonal ngayon


1. Kumusta ang yugto ng paglago ng ating  pananampalataya sa ating relasyon sa Diyos? Nasimulan na ba natin ito?


2. Anong mga pagbabago ang nagaganap sa iyong pananampalataya? Ang proseso ba ay nagdadala sa iyo upang  manampalataya, sa kaligtasan ng mga kaluluwa, at pagkaunawa sa mga nangyayari ngayon?


Gawin ngayon


Gawing Kapitan ng iyong buhay si Cristo at hindi lamang isang bantay!




Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya

Sapat ba ang ating lakas kapag sinubok ang ating pananampalataya? Gaano tayo katatag? Papasahan ba natin ang pagsubok sa ating pananampalataya? Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa atin na maunawaan ang kahulugan ng ...

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://cassi.thewardro.be/26487

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya