Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Pagsubok Sa PananampalatayaHalimbawa

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya

ARAW 3 NG 5

NAGPAPANGGAP NA BANAL





Ang matuwid na pamumuhay ay mahirap na matagpuan sa mundong ito. Ang mga tao ay namumuhay ayon sa kanilang mga kagustuhan at hindi pinapansin ang nais ng Diyos na gawin nila. Kapag namuhay sila na naayon sa kalooban ng Diyos  ay nililibak at kinukutya sila ng mga tao at iniisip nila na nagpapanggap lamang silang banal. Samakatuwid, ang kabanalan ay may makitid na kahulugan na limitado lamang sa mga dingding ng simbahan at ministeryo, at hindi sa pang-araw-araw na buhay. Ang katotohanan, ang lohikal na resulta o bunga ng isang desisyon na mamuhay para sa Diyos ay isang hangarin ng tao na sugpuin ang kanyang makalamang pagnanais upang kalugdan ang Panginoon.


Kung titingnan natin ito mula sa pananaw ng Bibliya, ang mga tunay na mananampalataya ay dapat mamuhay alinsunod sa kanilang mga paniniwala. Magiging kakaiba sa mananampalataya kung patuloy na masisiyahan sila sa kanilang pansariling hangarin. Kakaiba ito para sa kanila na ipagpatuloy ang paghahanap ng kanilang kasiyahan. Sa kabaligtaran, natural lamang sa mga anak ng Diyos na mamuhay tulad ng pamumuhay ng Diyos. Likas lamang na ang mga anak ng Hari ay mamuhay bilang mga maharlikang mamamayan. Hindi kataka-takang mamuhay tayo para sa kaluwalhatian ng Diyos at magpasalamat sa Kanya.


Sa katunayan, bilang resulta ng kasalanan, ibinaling ng mga tao ang kanilang sarili sa iba pa. Ayaw nilang magpasakop sa Diyos. Ang tao ay mas sumusunod sa kanyang laman (cf. Roma 1: 25-31). Ang bunga, ang dapat na ituring na abnormal, tulad ng tomboy, bakla, at iba pang mga salungat na pag-uugali ay itinuturing na isang likas na pangyayari na dapat maunawaan bilang makatao. Sa kabilang banda, kung ano ang katotohanan at banal ay itinuturing na hindi katanggap-tanggap. Ito ay tinatanggihan at isinasaalang-alang bilang kahangalan.


Ito ang kakatwang nangyayari sa mundong ito. Gayunpaman, huwag tayong matinag sa gitna ng lahat ng ito. Huwag magsawang magsabi ng katotohanan. Mamuhay tayo sa katotohanan bilang mga piniling tao. Iniligtas at tinubos tayo ni Cristo mula sa kasalanan at kahangalan. Huwag nating  maliitin ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa ating nais. Mamuhay tayo nang matuwid hindi dahil sa tayo ay matuwid sa sarili, ngunit dahil tayo ay pinaging-dapat. Namumuhay tayo sa kabanalan hindi dahil sa pagkukunwaring banal, ngunit dahil sa tayo ay pinaging-banal.


Debosyonal ngayon


1. Ginawa o inisip ba nating maging mapagpanggap o matuwid sa sarili? Sa anong mga paraan tayo nag-isip ng ganoon? Tama ba ang iniisip ng ibang tao tungkol sa atin?


2. Paano tayo magpapatuloy na mamuhay nang matuwid sa masamang mundong ito?


Gawin ngayon


Maging matapang tayong mamuhay nang kakaiba sa pamamagitan ng paggawa ng katotohanan at manatiling mabuhay nang disente.




Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya

Sapat ba ang ating lakas kapag sinubok ang ating pananampalataya? Gaano tayo katatag? Papasahan ba natin ang pagsubok sa ating pananampalataya? Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa atin na maunawaan ang kahulugan ng ...

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://cassi.thewardro.be/26487

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya