Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Paglalakbay ni HabakkukHalimbawa

Habakkuk's Journey

ARAW 4 NG 6

"Naghihintay sa Diyos Cont."



Mga Kaisipan ng May-Akda:

1. Tumutok sandali sa talata at isipin ang kahalagahan ng talatang ito. Ipaliwanag ang iyong mga kaisipan dito.



Malinaw kay Habakuk ang kanyang ginagawa. Naghihintay siya na sagutin ng Diyos, subalit bakit napakahalaga ng talata 1? Ang simpleng sagot ay ito ang pagpapakita kung paano tayo dapat maghintay sa mga kasagutan mula sa Diyos. Habang tayo ay naghihintay ng kasagutan siya ay nanatiling matatag. Bilang isang dating sundalong marino, alam ko ang kahalagahan ng pagpapanatili ng iyong puwesto at maging masigasig dito.



Si Habakuk ay hindi basta naupo at nagsabing kikilos ako kapag nakuha ko na ang kasagutan, sa halip ay sinabi niya na patuloy akong magbabantay habang naghihintay akong makarinig mula sa Diyos. Ang isang punto na dapat bigyan ng pansin ay nagpaplano si Habakuk sa kanyang sagot sa katugunan ng Diyos. Inihahanda niya ang kanyang sarili na sumagot sa Diyos sa ilang kaparaanan.



Ito ay nagpaalala sa akin ng isang pangangampanya sa pulitika. Kapag ang isang kandidato ay tumatakbo sa isang posisyon, siya ay karaniwang mayroong nakahandang talumpati ng pagpapasalamat pati na rin ang talumpati ng pagkatalo. Ito ang paraan ng pagpapakita na sila ay handang sumunod sa awtoridad na sumasakop sa kanila. Sa mga nahalal na mga opisyal, ito ay pinili ng mga tao at kay Habakuk ito ay para sa Diyos.



2. Paano pinili ng Diyos na sumagot kay Habakuk at ano ang sinasabi nito kung paano tayo dapat makinig?



Katulad ng pagkakaalam natin, ang mga paraan ng Diyos ay hindi ang laging inaasahan o iniisip natin. Nagpasiya ang Diyos na sabihin kay Habakuk na bigyang-pansin ang anumang mangyayari sa hinaharap. Kung minsan, ito ay mahirap lunukin. Sa panahon ngayon tayo ay napaliligiran ng agarang kaluguran. Tayo ay nabubuhay sa panahon ng microwave na gustong makita ang mga resulta ngayon. Gusto natin na ang kapasiyahan ay magawa kaagad, subalit hindi ito ang laging maganda para sa atin.



Alam ito ng Diyos at ginamit Niya ang panahong ito upang ipaalam kay Habakuk, maging matiyaga, ang mga bagay ay hindi palaging gaya ng inaakala. Maaaring ito ay mukhang isang imposibleng sitwasyon, subalit alam ng Diyos kung ano ang Kanyang ginagawa. Ang pagtitiyaga ay hindi madaling katangian upang magpahayag sa iba. Ang pagtitiyaga ay ang pagkaalam kung kailan dapat MAGHINTAY at kailan dapat kumilos. Ang pagtitiyaga ay nangangahulugan kung minsan na kailangan mong maghintay na tapusin ng Diyos bago ka magdesisyon na kumilos. Ito ang mararanasan ni Habakuk. Ito ang oras upang ang Diyos ay kumilos at upang siya ay maging matiyaga.



3. Bakit sa palagay mo ginamit ng Diyos ang salitang "aba" habang nakikipag-usap kay Habakuk sa halip na ibang salita katulad ng "isinumpa”?



Ang aba ay isang termino na ginamit para sa gawa ng kahabagan. Ito ay hamon sa mambabasa at hindi isang pagkalahatang pahayag. Mas madaling sabihin, "tingnan ang lahat ng mga tagumpay na mayroon sila, sana mayroon ako ng ilan.” Ang nais ng Diyos na tumatak sa atin ay, na ang mga taong nakalista ay hindi dapat kainggitan, kundi kaawaan. Hindi sa paraan na tayo ay nagsisimulang maging kanilang hukom, kundi sa paraan na tayo ay sumisigaw para mamagitan sa kanila. Ang mamuhay sa kasalanan ay hindi isang bagay na dapat kainggitan.



Si Kapil Dev, isang dating manlalaro ng criket mula sa India, ay mahusay na nagsabi nang binanggit niya, "Sa katagalan, naniniwala ako na ang katapatan ang pinakamagaling na patakaran. Ang isang tao ay makakaligtas sa pagiging di-tapat sa maikling panahon, subalit sa kahulihan, sulit ang katapatan.” Ang taong di-tapat ay laging nag-aalala na ang kanyang hindi pagiging matapat ay babalik sa kanya at hindi ito ang paraan upang ipamuhay ang buhay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.



4. Paano natin maiuugnay ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?



Maraming mga praktikal na paraan upang magamit kung ano ang itinuturo ng kabanatang ito, ngunit marahil ang pinakamagandang bagay ay maging matiyaga sa Diyos dahil hindi Niya tayo pinabayaan. Hindi mo maaaring pabayaan ang iyong espirituwal na puwesto habang naghihintay ka sa Diyos na sagutin ang iyong mga katanungan. Ang Diyos ay perpekto sa lahat, maging sa Kanyang pagtatakda, at kung napabayaan natin ang ating espirituwal na puwesto habang tayo ay naghihintay sa Kanya, katulad din tayo ng lingkod na may isang talento sa Mateo 25:24-26.



24 “Lumapit naman ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto at sinabi, ‘Alam ko pong kayo'y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik.



25 Natakot po ako, kaya't ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto na po ang salaping iniwanan ninyo sa akin.’



26 “Sumagot ang kanyang panginoon, ‘Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko tanim at inaani ang hindi ko inihasik.

Maging tapat sa kung ano ang ibinigay sa iyo ng Diyos at pagpapalain ka Niya. Huwag maghangad sa kung ano ang wala ka, kundi sa lahat ng bagay ay magpasalamat sa lumikha ng sansinukob.



Hamon:

Maglaan ng oras ngayon upang magnilay kung ano ang mayroon ka at kung paano mo ito nakamit. Makipag-usap sa Diyos at ipaalam sa Kanya na ikaw ay nagpapasalamat. Ang aking pinakamalaking hamon ay ipaalam sa Diyos na ikaw ay patuloy na magmamatyag habang naghihintay sa Kanya.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Habakkuk's Journey

Ang gabay na ito ay isang paglalakbay sa mahirap na mga panahon kasama si Habakkuk.

Nais namin pasalamatan si Tommy L. Camden II para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang mga impormasyon, mangyaring bisitahin ang:http://portcitychurch.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya