Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Paglalakbay ni HabakkukHalimbawa

Habakkuk's Journey

ARAW 2 NG 6

"Pakikipagtagpo kay Habakuk Cont."



Mga Kaisipan ng May-Akda:

1. Ano ang temang namumukod tangi nang binasa mo ang Habakuk 1?

Mayroong pinakapangunahing tema kung "bakit pinayagan ng Diyos na madaig ng masama ang mabuti.”



Ang tanong na ito ay isang totoong bahagi ng buhay natin ngayon. Kung titingnan natin ang mundo na ating ginagalawan, palagi nating itinatanong ito. Subalit, sa totoo lang, ito ay maling katanungan. Ang mas mainam na tanong ay; ano ang ginagawa ng Diyos sa lahat ng kasamaang ito?



2. Bakit sa palagay mo ang aklat na ito ay nakasama sa Kasulatan? Ano sa palagay mo ang layunin ng Diyos para sa kabanatang ito?



Nang nabasa ko ito, agad kong napansin na tinanong ni Habakuk ang Diyos sa hindi Niya pamamagitan. Ang aking kaisipan ay pumunta sa dalawang direksiyon: Una, ito ay isang matapang na hakbang at pangalawa, bakit ang tapang niya?



Ang mismong kabanatang ito ay nagpapakita ng biyaya at pag-ibig. Bilang mga Cristiano alam natin na ang Diyos ay mayroong sukdulang kapangyarihan sa lahat ng nangyari o mangyayari pa. Dahil diyan, nadarama natin na para magtanong ng mga bagay na hindi natin nauunawaan ay pag-kuwestiyon din sa kapangyarihan ng Diyos.



Ito ang layunin ng aklat na ito. Ayos lang na magkaroon ng mga katanungan at magtanong maging sa Diyos. Hindi intensyon ng Diyos na tayo ay mga drone na hindi nag-iisip na isasaksak lang at magiging mga Cristianong nakikigaya lang. Ayos lang na tayo ay magtanong sa Diyos kung bakit ganoon ang kalakaran ng mga bagay-bagay at maging kung ano ang ginagawa Niya dito. Ang Kanyang sagot kay Habakuk ay hindi isang detalyadong plano: ang punto na binanggit ay alam ng Diyos na masama ang itsura nito, subalit Siya ang may kontrol.



3. Ano ang isyu sa panahon na naisulat ito?

Ang kaguluhan ay laganap. Ang bayan ng Israel ay nasa panahon ng takot habang ang mga taga-Babilonia ay lalong lumalakas. Sinasalakay nila ang mga bansa at sinasakop. Ang Israel ay natatakot na sila na ang isusunod. Si Habakuk ay tumitingin sa mga kalapit na mga bansa at nakikita ang pagsulong at tagumpay ng militar ng isang bansa na itinuturing ng Israel na mapandaya. Ang makita ito at mabatid na ang Israel ay nasa kanilang mga paningin at ang Israel ay mas di-matuwid kaysa matuwid, bukod pa sa katotohanang ang mga kautusan ng Diyos ay napapabayaan samantalang ang kasamaan ay tila nagagantimpalaan.



4. Paano ito maiuugnay sa kalagayan natin ngayon?

Ang ating henerasyon ay umabot sa punto na ang linya sa pagitan ng masama at mabuti ay malabo na. Ang taas ay ibaba at ang mga pusa ay nakikipaglaro sa mga aso, kaya ano ang tama? Kung tayo ay tumingin sa paligid, nadarama natin ang pangangailangan na magtanong, subalit nanghahawakan tayo sa takot. Para sa iba ito ay ang takot na magtanong at sa iba ito ay ang takot sa kasagutan. Ang pangunahing konklusyon ay para maunawaan, sige magtanong ka, subalit alamin na tayo ay nasa kamay ng Diyos at Siya ay may plano. Nakikita natin na ang kaaway ay sumusugod at ang mga Cristiano ay inaatake sa buong mundo, subalit mayroong liwanag para sa atin. Ang aklat ng Habakuk ay inilagay para sa ating kakayahan na hayagang makipag-usap sa ating Ama. Ang isang regalo na tinanggap natin mula kay Jesus ay maaari tayong dumiretso sa Kanya sa kahit anong bagay at kahit anong oras. Kausapin ang iyong Ama dahil Siya ay palaging nag-aalala sa kung ano ang ikinababahala mo.



Hamon:

Basahin ang Habakuk nang minsan pa at subukang makita ang mensahe bilang isang pag-asa sa mga bagay na darating.



Nang isinulat ito ni Habakuk, nakita niya ang mga mapinsalang paraan ng mga tao sa kanyang paligid, subalit hindi niya kinaligtaan na balikan ang Kasulatan na kanyang kinalakhan. Ang Genesis 50:20 ay nagsabi, "Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon.” Ito ang mga kataga ni Jose sa kanyang mga kapatid. Ipinagbili siya sa pagkaalipin at nang sila ay nagkasama-samang muli, sila ay natakot sa kanyang paghihiganti, subalit si Jose ay hindi nawalan ng tiwala sa plano ng Diyos. Sa bawat masamang pangyayari, mayroong positibo na manggagaling dito kahit hindi natin ito nakikita.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Habakkuk's Journey

Ang gabay na ito ay isang paglalakbay sa mahirap na mga panahon kasama si Habakkuk.

Nais namin pasalamatan si Tommy L. Camden II para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang mga impormasyon, mangyaring bisitahin ang:http://portcitychurch.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya