Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Baluti ng DiyosHalimbawa

The Armor of God

ARAW 2 NG 5

Hindi hinihingi ni Pablo sa kanyang panalangin na ang mga mananampalatayang taga-Efeso ay makatanggap ng kanilang masaganang mana ng espirituwal na kayamanan, biyaya, kapangyarihan, at awtoridad, kundi ang malaman nila na ito ay sa kanila. Bilang Mga Cristiano, mayroon na silang mga ganitong bagay, katulad natin. Subalit hangga't hindi nila ito nalalaman, anong mabuting magagawa nito?



Sa katunayan, ang espirituwal na baluting kanyang inilalarawan sa Mga Taga-Efeso 6 ay pag-uulit lamang ng— ibang paraan ng paglalarawan—kung ano ang ipinapaliwanag ni Pablo sa unang bahagi ng kanyang sulat. Paano nilang "maisusuot" or "makukuha" ang mga bagay na hindi nila alam na mayroon na sila? Ang unang hakbang para sa kanila—ang unang hakbang para sa atin—upang magamit ang mga espirituwal na yaman na naibigay sa atin ay ang buksan ang ating mga espirituwal na mga mata para makita natin sila.



Ang kuwento ni Eliseo at ang kanyang aliping may kapansanan sa mata sa 2 Mga Hari 6 ay isa sa mga tiyak kong paboritong kuwento sa Biblia. Ang tagpo ay isang labanan na mangyayari sa pagitan ng galit na galit na hari ng Aram at ng bansang Israel.



Ang alipin ni Eliseo ay nakakita ng nakakagulat na tagpo. Noong una, ang nakikita niya lang ay ang kaaway, na siguradong nag-iwan sa kanya ng walang ibang tugon kundi takot at pagkabalisa.



Ngunit pagkatapos ay agad siyang tumutok sa nakapagpabagong katotohanan: mas marami pa ang naroon at gumgawa para sa kanya nang higit sa kanyang iniisip. Kung ano ang nakikita ng pisikal na mga mata niya ay walang katulad sa mga hindi nito nakikita. Ang panalangin ni Eliseo ay nakatulong sa kanya para mabatid ang lahat ng mga mapagkukunan at lakas na nasa panig niyang nakikipaglaban laban sa kaaway.



Para magtiwala at magtagumpay, kailangan mong "makita" ito.



Sa Mga Taga-Efeso 1, binigyang-diin ni Pablo ang ilan lamang sa mga kaloob na ibinigay ng Diyos sa atin. Napakarami pa ng mga ito, at bawat isa ay nag-uugnay sa iyong espirituwal na baluti at armas. Ang unang susi para maintindihan kung paano silang lahat ay babagay sa iyong kakayanan na madaganan ang kaaway ay pangitain. Hindi mo sila magagamit kung hindi mo sila lubusang kilala, kung hindi mo alam kung paano sila magagamit at ang kanilang kahalagahan para sa matagumpay na pakikipagdigma laban sa kaaway.



Ang tagumpay ay nagsisimula rito. Nagsisimula ito ngayon. Nagsisimula ito sa panalangin na may pangitain.



Kaya samahan mo si Pablo sa paghingi sa Diyos na lubos na mabuksan ang iyong mga mata para hindi mo lamang matuklasan ang gawain ng kaaway, kundi maging ganap ang iyong kamalayan sa kung ano ang binigay sa iyo ng Diyos para matanggal ang kanyang sandata at matalo ito sa iyong buhay.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Armor of God

Sa buong araw, araw-araw, isang hindi nakikitang digmaan ang nagngangalit sa paligid mo — hindi nakikita, hindi naririnig, pero nararamdaman sa bawat aspeto ng iyong buhay. Isang nakatuon, mala-demonyong kaaway ang nagha...

More

Nais naming pasalamatan si Priscilla Shirer at ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.lifeway.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya