Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Baluti ng DiyosHalimbawa

The Armor of God

ARAW 1 NG 5

Ang pinakanakakabagabag na mga bagay sa iyong buhay—mga bagay na nakikita mo ng iyong limang pandamdam—ay hindi ang tunay na isyu para sa iyo. Lahat ng mga nangyayari sa nakikitang pisikal na mundo ay tuwirang nakaugnay sa pakikipaglaban na nangyayari sa hindi nakikitang espirituwal na mundo. Ang tunay mong kaaway—ang diyablo—ay nagnanais na huwag mong mapansin ang espirituwal na katotohanan sa likod ng pisikal. Sapagkat habang ikaw ay nakatuon sa nakikita ng iyong pisikal na mga mata, magpapatuloy siya sa hindi mapipigilang pagpapalaganap nang hindi namamalayan. Kapag lalo mo siyang binalewala, mas lalong perhuwisyo ang kaya niyang magawa. Maaring ang kaaway ay hindi nakikita, pero hindi siya kathang-isip. Siya ay totoong-totoo, at siya ay nagpupumilit, naghahasik ng digmaan laban sa atin sa tuwina.



Ang pagiging manananampalataya ay hindi nakakapagbigay sa iyo ng kaligtasan mula sa mga atake ng kaaway, subalit nagbibigay ito sa iyo ng daan tungo sa kapangyaharihan ng Ama—ang Kanyang kapangyarihan na ipaglaban ka pati na rin ang baligtarin kung ano man ang ginawa sa iyo. Kung gusto mong manalo sa laban—kung gusto mong sumama sa akin na mabaligtad ang nangyayari, pabagsakin ang kaaway, at madurog ang impluwensiya niya sa buhay mo—ang susi ay ang malaman mong ikaw ay nauugnay sa mas espirituwal na kalakasan kaysa sa darating laban sa iyo.



Isinulat ni Pablo ang aklat ng Mga Taga-Efeo hindi lamang para tumawag ng pansin sa espirituwal na laban na nagaganap sa hindi nakikita, kahariang hindi nakikita, kundi para sa hangaring ipakita ang lakas na likas sa bawat tao na may relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Sa Mga Taga-Efeso, itinampok ni Pablo ang isa sa mga pinakamahalaga subalit madalas na nalalampasang aspeto ng ating espirituwal na baluti: panalangin.



Binigyang-diin ni Pablo na ang panalangin ay kritikal sa pagkakaroon ng tagumpay laban sa kapangyarihan ni Satanas sa ating mga buhay kaya, sa obserbasyon ng isang eskolar ay, "ang Mga Taga-Efeso ay may higit pa sa 55% na kasing dami ng mga bersikulo na tuwirang may kaugnayan sa panalangin" kaysa sa aklat ng Mga Taga-Roma, ang pinakamahabang sulat ni Pablo. Makailang beses siyang sumambulat sa pananalangin habang siya ay nagsusulat. At kapag siya ay nanalangin … sinisigurado niyang masabi sa kanyang mambabasa kung ano ang eksaktong ipinagdarasal niya. Alam niyang ang panalangin ay nakakapagpabago ng direksyon ng kanilang buong buhay. Ang tagumpay sa espirituwal na laban ay hindi maihihiwalay sa panalangin.



Basahin ang Mga Taga-Efeso 1:18-21 at 3:14-19. Sa lahat ng mga bagay na ipinapanalangin ni Pablo, ano ang talagang kailangan mong hingin sa Diyos ngayon?
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Armor of God

Sa buong araw, araw-araw, isang hindi nakikitang digmaan ang nagngangalit sa paligid mo — hindi nakikita, hindi naririnig, pero nararamdaman sa bawat aspeto ng iyong buhay. Isang nakatuon, mala-demonyong kaaway ang nagha...

More

Nais naming pasalamatan si Priscilla Shirer at ang Lifeway Christian Resources sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa dagdag na impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.lifeway.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya