Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Nananatili ang Pag-ibig Semana SantaHalimbawa

Love Remains Holy Week

ARAW 3 NG 8

Ginugol ni Jesus ang karamihan sa Kanyang mga huling araw sa pagtuturo sa mga nakapaligid sa Kanya. Isang partikular na pag-uusap ang naganap nang ang mga pinuno ng relihiyon at mga dalubhasa sa Kautusan ay nagtanong kay Jesus ng isang tanong tungkol sa Kautusan. 



Ang tanong: Alin ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?



Ang sagot: Pag-ibig. “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.... Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”



Isipin kung ano ang kahulugan ng umibig sa isang tao nang buong puso, kaluluwa, at lakas. Magkakaroon ba ito ng panlabas na ekspresyon? Isang materyal na alay? Ang ating pinakadakilang larawan ng pag-ibig ay yaong matatagpuan sa Banal na Kasulatan. Ang Diyos na iyon, na gayon na lamang ang pag-ibig sa atin, ay hindi ipinagkait ang
Kanyang sariling anak. At si Jesus, na labis na nagmamahal sa atin, ay nag-alay ng Kanyang buhay upang tayo ay mabuhay. 



Ano kaya ang mangyayari sa ating mga pamilya, mga relasyon, komunidad, at mundo kung mabubuhay tayo sa ganyang uri ng pagmamahal? Paano tayo makapagmamahal, kahit ngayon, na literal na napipilitang maghiwa-hiwalay? 



Basahin muli ang Mateo 22: 34-40 at itanong kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo. 


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Love Remains Holy Week

Mahirap isipin kung ano ang iniisip at nararamdaman ni Jesus noong mga araw na papalapit na sa krus, ngunit isang bagay ang alam natin—ang Kanyang pagtitiwala at katiyakan sa kabutihan at tapat na pag-ibig ng Diyos. Magl...

More

Nais naming pasalamatan ang World Relief sa pagbibigay ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.worldrelief.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya