Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Nananatili ang Pag-ibig Semana SantaHalimbawa

Love Remains Holy Week

ARAW 1 NG 8

Pagdiriwang. Pag-asa. Pag-asam. Kapayapaan. Katiyakan—lahat ng ito'y malamang na emosyon ng mga naghahagis ng kanilang mga sanga ng palmera sa maalikabok na daan habang sumisigaw sa tuwa at saya. At tama sila sa kanilang kasiyahan kay Jesus. Sa gitna ng pang-aaping Romano, ang Kanyang pagdating ay nagdala ng pagdiriwang at katiyakan ng naiibang kinabukasan.



Malamang naiiba ang pakiramdam ngayong Linggo ng Palaspas habang nagtitipon kayo sa mga screen ng computer at masayang birtuwal na nakakasama ang iba. Maaaring ang pagdiriwang sa taong ito ay tila may takot o banta ng kawalan ng katiyakan. At ok lang iyan. Ang Linggo ng Palaspas ay nagpapaalala sa atin na kahit sa gitna ng kawalang-pagkapalagay, sa gitna ng lahat ng iyong nararamdaman, si Jesus ay Hari pa rin. Siya ay nagdadala pa rin ng pag-asa; Siya ay nagdadala pa rin ng kapayapaan; at Siya ay nagmamahal pa rin sa atin nang higit sa pinangangahasan nating isipin. Nawa'y makahanap ka ng kapahingahan sa katotohanang iyan ngayon at sa linggong ito!



Basahin muli ang Lucas 19:37-39, at itanong kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo.


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Love Remains Holy Week

Mahirap isipin kung ano ang iniisip at nararamdaman ni Jesus noong mga araw na papalapit na sa krus, ngunit isang bagay ang alam natin—ang Kanyang pagtitiwala at katiyakan sa kabutihan at tapat na pag-ibig ng Diyos. Magl...

More

Nais naming pasalamatan ang World Relief sa pagbibigay ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.worldrelief.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya