Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Para sa atin: Pagdiriwang sa Pagdating ni JesusHalimbawa

Unto Us: Celebrating the Arrival of Jesus

ARAW 5 NG 5

Prinsipe ng Kapayapaan 



Kapayapaan. Hindi mahalaga kung saan tayo nakatira o kung ano ang pinaniniwalaan natin, lahat tayo ay naghahangad ng kapayapaan. Dahil hinahangad ito ng ating kaluluwa, tinangka nating makuha ito sa iba't ibang mga paraan—mula sa mga tao, pinuno, pananalapi, kaginhawaan, at iba't ibang bagay. Gaano man ang ating pagsisikap, hindi tayo magkakaroon ng totoo at pangmatagalang kapayapaan hanggang sa malaman natin ang pinagmulan nito. 



Sa Isaias 9:6, tinawag si Jesus na Prinsipe ng Kapayapaan. Tinutukoy ito ng wikang Hebreo sa ganitong paraan:



Prinsipe — sar

Prinsipe, pinuno, namumuno, opisyal, kapitan



Kapayapaan — shalom

Pagkakumpleto, kabutihan, kapakanan, kapayapaan, kaligtasan; kasama ang Diyos na may kaugnayan sa pakikipagtipan



Kapag pinagsama ang dalawang salitang ito sa isang titulo, mayroon kang isang pinuno na nagbibigay ng kumpletong kabutihan, kapayapaan, at kaligtasan. Hindi ba kahanga-hanga ito? Sa isang pangalan, Siya ay kaagad na naiiba kaysa sa sinumang pinuno ng tao na nakita natin sa mundo. Nang Siya ay dumating, Siya ay nabihisan ng kapayapaan ng Diyos. 



Ang kapayapaan ni Jesus ay nag-aanyaya ng isang katahimikan sa ating buhay anuman ang namamalagi sa paligid natin. Binibigyan Niya tayo ng kapayapaan sa panahon ng mga pagsubok sa buhay at hinihimok tayo na huwag maguluhan (Juan 14:27). Nag-aalok Siya ng kapayapaan sa atin habang nasa personal tayong paglalakbay kasama si Cristo hanggang sa Siya ay bumalik (1 Mga taga-Tesalonica 5:23). Kapag nagbabanta ang takot na sakupin tayo, pinapakalma tayo ng Kanyang kapayapaan, binabantayan tayo, at lampas pa sa kayang isipin ng ating mga may hangganan kaisipan (Mga Taga Filipos 4:7). 



Si Jesus, ang ating Prinsipe ng Kapayapaan, ay ang tanging paraan upang tayo ay magkaroon ng kapayapaan sa Diyos. Kapag sinabi nating oo kay Jesus at naniniwala tayo na Siya ay namatay at muling nabuhay, inaanyayahan tayo sa isang tamang relasyon sa Kanya. Hangad Niya na maging isang tagapagpanumbalik ng mga relasyon, at sa paggawa nito, natututunan natin kung paano maging tagapayapa sa isang mundo na lubhang kailangan ito. 



Kung nasaan ka man sa iyong paglalakbay kasama si Cristo, magtabi ng ilang oras ngayon upang pagnilayan si Jesus bilang iyong Prinsipe ng Kapayapaan.


Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Unto Us: Celebrating the Arrival of Jesus

Sa Isaias 9:6, nakita natin na si Jesus ay ang ating Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan. Sa 5-araw na Gabay na ito, ipagdiriwang natin ang pagdating ni Jesus...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya