Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Para sa atin: Pagdiriwang sa Pagdating ni JesusHalimbawa

Unto Us: Celebrating the Arrival of Jesus

ARAW 4 NG 5

Walang Hanggang Ama



Ang salitang ama ay maaaring pukawin ang isang malawak na hanay ng mga emosyon para sa atin. Marahil ay napapangiti tayo kapag naririnig natin ang salita, sapagkat nagdadala ito ng mga kamangha-manghang alaala ng ating sariling ama. O marahil ang pakiramdam ng ating mga puso ay nadudurog, dahil hinahanap-hanap natin ang ating mga ama, o tayo ay nagdadalamhati sa pagkawala ng isang relasyon na hindi natugunan ng katulad sa ating inaasahan. Kung paano mo man nakikita ang iyong tatay sa lupa, ang iyong Ama sa Langit ay nagmamalasakit sa iyo at palaging malapit.



Sinasabi sa atin ng Isaias 9:6 na si Jesus ay ang ating Walang Hanggang Ama. Tinutukoy ito ng wikang Hebreo sa ganitong paraan:



Walang hanggan— ‘ad

Magpakailanman, patuloy na hinaharap; ng patuloy na pag-iral 



Ama— ‘ab

Ama; Diyos bilang Ama; namumuno o pinuno



Ang dalawang salitang ito ay nagsasabi sa atin na si Jesus, ang ating Walang Hanggang Ama, ay ang Diyos ng patuloy na pag-iral. Nangangahulugan iyon na nariyan na Siya bago pa nagsimula ang panahon, at nariyan na Siya nang walang tulong ng sinuman. Hindi Siya nilikha, at hindi nangangailangan ng tulong ng sinuman o anupaman. Sapat ang itinakda Niyang pamantayan para sa sinumang ama sa lupa na pagsumikapan. At Siya ay nagmamalasakit sa atin sa isang magiliw at maka-amang paraan. 



Maaaring hindi natin tunay na maunawaan ang kabutihan ng ating Walang Hanggang Ama dahil sa ating mga karanasan sa lupa. Ang isa sa ating pinakadakilang hamon sa pag-unawa sa ating Walang Hanggang Ama ay ang mga bagahe na dinadala natin mula sa ating sariling mga ama. Kung mayroon man tayong isang nakikibahagi, nagmamalasakit, at maaasahang ama o isang malayo, pabaya, at masamang ama, si Jesus ay ang uri ng Ama na nais nating lahat na magkaroon tayo. Ang magandang balita ay Siya ay dumating sa mundo upang nakawin ang ating pagkawasak at palitan ito ng isang puspos ng pag-asang pang-walang hanggan. 



Hindi tayo dapat matakot na mahihiwalay tayo kay Jesus. Siya ay walang hanggan at laging malapit. Walang kamatayan, takot sa hinaharap, o anumang bagay na nariyan na maaaring maghiwalay sa atin mula sa ating Walang Hanggang Ama. Maaaring hindi natin alam kung ano ang mangyayari, ngunit lubos nating Siyang mapagkakatiwalaan. Siya ay Karapat-dapat. 



Sumandig at magpahinga sa mga maginhawang bisig ng iyong Walang Hanggang Ama. Gumugol ng oras sa pakikipag-usap sa Kanya at pakikinig para sa Kanyang patnubay sa mga alalahanin at kagalakan na nasa iyong puso.


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Unto Us: Celebrating the Arrival of Jesus

Sa Isaias 9:6, nakita natin na si Jesus ay ang ating Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan. Sa 5-araw na Gabay na ito, ipagdiriwang natin ang pagdating ni Jesus...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya