Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Di-Perpektong Tao sa Biblia Halimbawa

Imperfect People in the Bible

ARAW 6 NG 7

Pedro



Nakilala natin ang isang mangingisda na ang pangalan ay Pedro noong tinawag siya ni Jesus upang sumunod sa Kanya bilang isa sa labindalawang alagad. Siya ang pinakaunang tinawag at madalas ang unang binabanggit kapag itinatala ang mga alagad, na madalas ay nagsasabi sa atin ng kahalagahan ng isang tao. Kasama siya sa "pinakamalalapit" na alagad ni Jesus na kabilang sina Santiago at Juan. Ang kanyang pamumuno ay malinaw na nakikita at madalas ay siya ang hayagan magsalita sa mga alagad. 



Ngunit noong oras na upang magsalita, hindi niya ginawa. Nagbigay ng prediksyon si Jesus na itatatwa ni Pedrong nakikilala niya si Jesus kahit na matatag sa pagsasabi si Pedro na hindi niya kailanman gagawin iyon sa kanyang Tagapagligtas at Kaibigan. Ngunit nakalulungkot, iyon mismo ang ginawa niya. Salamat na lang, hindi pa tapos ang Diyos kay Pedro at may mga dakilang plano Siya upang gamitin si Pedro sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo. Simula sa puntong iyon, si Pedro ay naging daluyan ng Diyos upang dalhin si Jesus sa lahat ng makikinig.



Narito ang dalawang bagay na makukuha natin mula sa buhay ni Pedro.



Ginagawa Natin ang Hindi Sukat Akalain


Sinabi ni Pedro na hindi niya kailanman iiwan o ipagkakanulo si Jesus. Sinabi niyang kung kailangan niyang mamatay kasama si Jesus, mananatili siyang tapat sa Kanya. Ginawa ni Pedro ang isang bagay na ni hindi niya pinangarap na gagawin. At ganoon din tayo madalas. Hinahatulan natin ang ibang tao dahil sa mga maling pagpili nila at sinasabi natin, Hinding-hindi ko gagawin iyon!" At pagkatapos ay may mangyayari sa buhay natin o makakalimutan nating protektahan ang sarili natin mula sa mga impluwensyang hindi makadiyos at ginagawa natin ang mga bagay na sinabi nating hindi natin kailanman gagawin. Mainam para sa ating maunawaan na kailangan nating magbantay, dahil ang espirituwal na kaaway natin ay gustung-gusto tayong nakawan sa ganitong paraan. 



Hindi Tayo Kailanman Sinusukuan ng Diyos

Ang makilala si Jesus nang ganoon kalapit sa loob ng tatlong taon, ang makilala Siya bilang Tagapagligtas at Kaibigan, at pagkatapos ay iwan Siya sa Kanyang pinakamadilim na panahon ay maituturing na walang kapatawaran para sa marami. Hindi si Jesus. Siya ang tunay na nagbibigay ng biyaya at ng dagdag na pagkakataon. Napakasama man ng pagtatatwang ginawa ni Pedro, may misyon pa rin si Jesus sa buhay niya, at iyon ay ang pakainin ang mga tao ng mensahe ng kaligtasan at pag-asa sa pamamagitan ni Jesus. 



Kahit na nagkanulo siya sa nakaraan, malaki ang naging epekto ni Pedro sa Iglesia at sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo. Bagama't hindi siya namatay noong inaresto si Jesus, namatay siyang isang martir para sa kanyang Tagapagligtas, Panginoon, at Kaibigan.


Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Imperfect People in the Bible

Naging magulo man ang buhay mo nang kaunti o malaki ayon sa pamantayan ng tao, ikaw ay pangunahing kandidato upang magamit ng Diyos. Sa 7-araw na Gabay na ito, matututunan natin ang tungkol sa anim na tao mula sa Biblia ...

More

Nais naming magpasalamat sa YouVersion Originals sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://youversion.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya