Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Di-Perpektong Tao sa Biblia Halimbawa

Imperfect People in the Bible

ARAW 4 NG 7

David



Ang pinakamalaking pagkakamali ni David ay nangyari dahil siya ay nasa maling lugar sa maling panahon. Totoo ito. Habang ang kanyang mga pinuno at hukbo ay nasa digmaan, ayon sa 2 Samuel 11, si David ay hindi nila kasama. Hindi iyan nangyayari sa isang hari. O dapat ay hindi. At dahil si David ay wala sa lugar na dapat ay naroon siya, ginawa niya ang isang bagay na hindi niya dapat ginawa—sa asawa ng ibang lalaki. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang mapagtakpan ang kanyang kasalanan, kasama na ang pagpaplano at pagsasakatuparan ng pagpatay. Grabe, tama?



Dahil sa ginawa ni David, si Natan, isang propeta, ay hinarap siya patungkol sa kanyang kasalanan. Hindi karaniwan para sa isang taong may mataas na katungkulan sa gobyerno na tanggapin ang pagsaway ng isang mas mababa sa kanya. Ngunit ginawa ito ni David. Para aminin niya ang kanyang kasalanan ay hindi rin karaniwan. Bagama't napakalaki ng kapinsalaang dala ng kanyang kasalanan, nagsisi siya at nagsumikap upang itama ang lahat. 



Narito ang dalawang bagay na makukuha mula sa buhay ni David:



Ang Tinitingnan ng Diyos ay ang Puso

Kaya, bagama't batid ng Diyos ang lahat ng gagawin ni David, bakit sasabihin Niya na pinili Niya si David dahil sa kanyang puso? Sa 1 Samuel 13:14, nabasa natin ang sinabi ng Diyos kay Saul, ang kasalukuyang hari: "Ngunit dahil sa ginawa mo, hindi na matutuloy iyon. Si Yahweh ay pipili ng isang taong mula sa kanyang puso…” Tila kakatwa na sasabihin ng Diyos na si David ay isang taong mula sa Kanyang puso samantalang batid Niya na may mga hindi magagandang bagay na gagawin si David. Ngunit, hindi ba iyan isang magandang balita? Hindi man magustuhan ng Diyos lahat ng ating mga pagkilos, salamat na lang, ang tinitingnan Niya ay ang ating puso! Alam Niya na kung minsan ay may mga bagay tayong ginagawa na hindi naman natin talagang binalak na gawin o maging ginustong gawin. Alam ng Diyos na hindi natin kayang maging perpekto sa mundo at magkakamali tayo na malaki ang magiging kabayaran. 



Hindi Nagdahilan si David

Ang Mga Awit 51 ay isinulat pagkatapos harapin ni propeta Natan si David patungkol sa kanyang pakikiapid kay Batsheba. Bago pa rito, tila walang kamalayan si David sa masamang ginawa niya. Ngunit pagkatapos, buong-buo niyang inako ang kanyang ginawa. Bagama't may ginawang masasamang bagay si David, lagi niyang inaako ang responsibilidad para sa mga maling pagpili niya at hindi ipinasa ang sisi sa iba. 



Gaya ng nabasa natin sa Araw 1, hindi tayo magiging perpekto. Batid iyan ng Diyos, at kailangan natin itong tanggapin. Sa halip, manangan tayo sa katotohanang nakikita ng Diyos ang ating mga puso sa kabila ng ating mga pagkakamali. At kapag, hindi kung, tayo ay nagkamali, akuin natin ang responsibilidad para sa ating mga ginawa at simulan ang proseso ng pagtatama rito.


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Imperfect People in the Bible

Naging magulo man ang buhay mo nang kaunti o malaki ayon sa pamantayan ng tao, ikaw ay pangunahing kandidato upang magamit ng Diyos. Sa 7-araw na Gabay na ito, matututunan natin ang tungkol sa anim na tao mula sa Biblia ...

More

Nais naming magpasalamat sa YouVersion Originals sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://youversion.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya