Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kalayaan Mula sa Pornograpiya Kasama si John BevereHalimbawa

Porn Free With John Bevere

ARAW 3 NG 5

Baguhin Mo Ang Iyong Isipan  



Sa araw na ito, nais kong pagtuunan ang isang mahalagang aspeto ng pagiging malaya at pananatiling malaya mula sa pornograpiya, o anumang kasalanang ayaw umalis. 



Kung ikaw ay ipinanganak na muli, nangangahulugan itong ang lumang pagkatao mo ay ipinako na kasama ni Cristo, kasama ang mga makasalanang pita, at ngayon ay binuhay na muli sa Kanya. Inilagay ng Diyos ang Kanyang Espiritu sa iyo at ibinigay ang Kanyang kalikasan. 



Dahil alam mo na ang katotohanang ito, ang natural na susunod na tanong ay ito: bakit nagkakasala pa rin ako? Ang isa sa mga dahilan ay kailangan pang mabago ang iyong kaisipan. Kapag ang iyong isipan ay nabago na, hindi ka na mag-iisip tulad ng pag-iisip ng mundo—ayon sa laman. 



Ang pakikibaka labas sa pornograpiya ay pinagtatagumpayan sa pakikibaka sa isipan. Isinulat ni Pablo, "Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya (Mga Taga-Roma 12:2 RTPV05). 



Kaya paano nga ba natin babaguhin ang ating mga isipan? Sa pamamagitan ng pagpupuno natin sa ating mga isipan ng katotohanan ng Salita ng Diyos. Itinuro ni Pablo, "Ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo" (2 Mga Taga-Corinto 10:5 RTPV05).



Sa tuwing may kaisipan kang hindi naaayon sa Salita ng Diyos, kailangang palitan mo ito ng katotohanan. Nangangahulugan ito na kailangan mo munang malaman ang katotohanan sa pamamagitan ng paggugol ng oras upang makilala mo ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Naalala mo ba noong tuksuhin si Jesus sa ilang? Sinalungat Niya ang bawat tukso na ibinabato ng kaaway sa Kanya sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. 



Kung gusto mong manalo sa pakikibakang nasa iyong isipan at lumakad nang matagumpay, kailangang simulan mong gawin din ito. Sa iba pang taludtod, sinasabi sa atin ni Pablo na kailangang kunin natin ang "tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos" (Mga Taga-Efeso 6:17 RTPV05). 



Kung gusto mong manalo sa pakikibaka, panahon na upang kunin mo ang iyong sandata at magsimulang lumaban. Habang kinukuha mo ang Salita ng Diyos at nagsisimula kang labanan ang mga kasinungalingan ng kaaway, mawawala ang kapangyarihan nila sa iyo. Kapag nagkaganoon ay magsisimula kang tumakbo sa daan ng kalayaan, at matutuklasan mo ang buhay na inilaan ng Diyos para sa iyo. 


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Porn Free With John Bevere

Hindi ito isang gabay na bubugbog sa iyo, na magsasabi sa iyong doblehin mo ang iyong pagsisikap, at ayusin mo ang iyong buhay. Ang gabay na Kalayaan Mula sa Pornograpiya ay aakayin ka, kakatagpuin ka kung saan ka naroon...

More

Nais naming pasalamatan sina John at Lisa Bevere (Messenger Int'l) para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.messengercourses.com/porn-free

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya