Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kalayaan Mula sa Pornograpiya Kasama si John BevereHalimbawa

Porn Free With John Bevere

ARAW 2 NG 5

Anong Gusto Mo?



Ilang taon na ang nakakaraan, may kaibigan akong gumon sa paninigarilyo. Bagama't alam niyang masamang gawi ito, natatagpuan pa rin niya ang sariling naninigarilyo ng apat na pakete sa isang araw. Sa loob ng maraming taon, siya ay nanalangin at hiningi sa Diyos na siya ay palayain mula rito, ngunit walang nagbago.



Pagkatapos, isang araw, nasaksihan niya ang kaibigan niya sa iglesia na dagliang napalaya mula sa kaparehong problema. 



Ang kaibigan ko ay lubhang nasiphayo. 



Nagagalit, nagtungo siya sa Diyos at bumulalas, "Umiiyak ako sa iyo sa loob ng dalawang taon! Bakit hindi mo pa rin ako pinalaya?!"



Nangusap ang Diyos sa kanya at sinabi, "Dahil gusto mo pa ito."



Nagulat siya, nagapi ng kapahayagang hindi siya mapapalaya ng Diyos mula sa isang bagay na gusto at ninanasa pa niya. Iyan ay sapagkat hindi sasalansangin ng Diyos ang ating malayang kalooban. Siya ay nagsisi, at hiningi sa Diyos na tulungan siyang maihinto ang pagnanasa sa bagay na umaalipin sa kanya, at agad siyang nakalaya. Ang lalaking ito na naninigarilyo ng apat na pakete sa isang araw ay hindi na naninigarilyo ng isa man—at siya'y malaya hanggang sa kasalukuyan. 



Hinihikayat tayo ni Pablo, "Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti" (Mga Taga-Roma 12:9 RTPV05). 



Kung gusto mong makalaya, hindi ka maaaring magdalawang-isip. Kailangang kapootan mo ang kasalanang umaalipin sa iyo. Nang ang aking puso ay nagsimulang madurog dahil sa kaalamang nadudurog ang puso ng Diyos dahil sa aking pagpupumiglas sa pornograpiya ay doon lamang ako nagsimulang lumakad sa kalayaan. Noong nagsimula kong makita ang aking kasalanan kung paano itong nakikita ng Diyos—na ito ay mapaminsala, nakasisira, nakaririmarim na bagay—kinasuklaman ko ito nang lubusan. 



Manalangin na tulungan ka ng Diyos na makita ang kasalanan mo sa kung ano talaga ito. Hilingin sa Kanya na tulungan kang kamuhian ito. Kapag wala nang bahagi sa iyo na nagmamahal pa rin sa iyong kasalanan, makikita mong mas madali mo itong mabibitawan.


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Porn Free With John Bevere

Hindi ito isang gabay na bubugbog sa iyo, na magsasabi sa iyong doblehin mo ang iyong pagsisikap, at ayusin mo ang iyong buhay. Ang gabay na Kalayaan Mula sa Pornograpiya ay aakayin ka, kakatagpuin ka kung saan ka naroon...

More

Nais naming pasalamatan sina John at Lisa Bevere (Messenger Int'l) para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.messengercourses.com/porn-free

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya