Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paano Magsisimulang Magbasa ng BibliaHalimbawa

How to Start Reading the Bible

ARAW 4 NG 4

Matutong Magtiwala sa Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Salita



Ang magtiwala sa Diyos kapag nasa liwanag ay walang kabuluhan, ngunit ang magtiwala sa Kanya sa kadiliman, iyon ay pananampalataya. - Charles Spurgeon



Ang ugaliing magbasa ng Biblia araw-araw at maisabuhay ang katotohanan nito ay lubos na magpapalalim sa kaugnayan natin sa Diyos. Ngunit kung minsan, o madalas, ang Biblia ay tila malabo.Parang walang kaugnayan sa ating buhay. At kung magpapakatotoo tayo, para bang hindi ganoon kabuti ang Diyos dahil hindi Niya ibinibigay ang gusto o hinihiling natin. 



Sa pagsalig sa Salita ng Diyos, makikita natin na mabuti ang Kanyang mga plano at una sa isip Niya ang mabuti para sa atin. Ito'yKanyang pinakamabuti, hindi pinakamabuti natin. Sapagkat nakikita Niya ang mas malawak na sitwasyon at alam Niya kung anong kailangan natin at kung kailan ito kakailanganin. Ang pagtitiwala sa Diyos ay nagaganap sa pagkilala sa Kanyang katauhan. 



Ang pagbabasa at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos ay tumutulong sa atin upang mas magtiwala sa Diyos dahil Siya ay tapat sa Kanyang pangako.  Napakaraming Niyang pangako sa Biblia na ang hatid ay pag-asa kapag ang mga ito'y tinanggap natin, tingnan lang muna natin ang ilan dito. Mga pangako ng Diyos na...



...kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito. (1 Juan 1:9)

...kung lalapit tayo sa Kanyang mga nabibigatan, bibigyan Niya tayo ng kapahingahan. (Mateo 11:28-29)

...kung susunod tayo sa Kanya, hindi tayo lalakad sa kadiliman. (Juan 8:12)

...kung mananatili tayo sa Kanya, mamumunga tayo nang sagana. (Juan 15:5)

...kung kulang tayo sa karunungan, ibibigay Niya ito nang sagana. (Santiago 1:5)

...kung maniniwala at ihahayag nating si Jesus ay Panginoon, maliligtas tayo. (Roma 10:9)



May mga nababasa tayong tila walang saysay o kaya'y nakagugulo sa atin, ngunit kagaya nga ng sabi ni Pastor Andy Stanley, "Hindi mo kailangang maunawaan ang lahat para maniwala sa isang bagay."Mas lalo natin siyang hinahanap, mas lalo natin Siyang makikilala. At kung mas makikilala natin Siya, mas magtitiwala tayo sa Kanya. Kung gagawin natin itong parte ng ating buhay, mas makikilala natin Siya bilang direktor ng ating patutunguhan, tagapagbigay ng karunungan, tagapagdala ng kaaliwan, tagapag-alok ng pag-asa at tagapaghatid ng kapayapaan. 



Magnilay




  • Nagtitiwala ka ba sa ang Diyos at Kanyang Salita? Anong pumipigil sa iyo para gawin ito? 

  • Gumugol ng oras sa pagpapahayag ng iyong mga pag-aalala at takot sa Diyos. Alam na Niya ang mga ito, kaya't huwag nang mag-alinlangan. Matapos, hilingin mo sa Kanya na tulungan kang magtiwala sa Kanya sa lahat nang bumabagabag sa iyo. 

Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

How to Start Reading the Bible

Maging tapat tayo: Alam natin na magandang ideya na basahin ang Biblia, ngunit mahirap alamin kung saan magsisimula. Sa susunod na apat na araw, malalaman natin kung bakit mahalaga ang Biblia, kung paano magsimula ng pan...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya