Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paano Magsisimulang Magbasa ng BibliaHalimbawa

How to Start Reading the Bible

ARAW 3 NG 4

Pagsasabuhay sa Katotohanan ng Biblia



Huwag pabibitag sa pag-aaral ng Biblia nang hindi ginagawa ang isinasaad nito. — Francis Chan



Sabi nga namin, ang pagbabasa ng Banal na Kasulatan ay mahalaga sa pagiging malapit natin kay Cristo. Ngunit ang pagbabasa at pag-aaral ng kaunting impormasyon nang hindi ito ginagamit ay hindi gaanong makakatulong sa atin. Kaya dapat nating gamitin ang nabasa at natutunan upang lumago kay Cristo bilang tagasunod. 



Ang Salita ng Diyos ay ating sandata. Buhay, aktibo, at matalas kaysa tabak na magkabila'y talim. At kung isasapuso natin ang Salita ng Diyos, hindi lamang tayo nito ilalayo sa kasalanan kundi tutulungan ding makipaglaban sa kasamaan. May kaaway, at ang pinakaayaw niyang gawin natin ay magtiwala sa Diyos at sa Biblia. Ang espirituwal na kaaway ay aasahan tayong huwag pansinin ang ating mganatutunan. 



Ngunit isa sa pinakamakapangyarihang matututunan natin sa Biblia ay kung sino tayo kay Cristo at kung paanong isasabuhay ang katotohanang ito. Nasa ibaba ang mga bulaang pinaniniwalaan at ang mga pangontra dito:



Mga Kasinungalingang Pinaniniwalaan Natin Bigo ako, at wala akong kayang gawing tama. 

Paglalapat ng Katotohanan ng Diyos Makibaka man, ngunit ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. (Mga Taga-Filipos 4:13). 



Mga Kasinungalingang Pinaniniwalaan Natin— Anong klaseng Diyos ang hahayaang mangyari ito sa akin? 

Paglalapat ng Katotohanan ng Diyos — Alam kong gumagawa ang Diyos sa LAHAT ng bagay para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. (Mga Taga-Roma 8:28)



Mga Kasinungalingang Pinaniniwalaan Natin — Ganito na ako.

Paglalapat ng Katotohanan ng Diyos — Magbabago ako dahil ako'y na kay Cristo. Wala na ang dating ako at ako'y bago na! (2 Mga Taga-Corinto 5:17)



Pag-isipan ang mga kasinungalingang pinaniwalaan mo. Natural, at tahasang mas madaling paniwalaan ang mga kasinungalingang ito dahil naging bahagi na natin sila. Ngunit, hindi ito ang pinakamabuti para sa Diyos. Sa sandaling kilalanin mo ang kasinungalingang ito, nasa kalahati ka na ng tagumpay. Ibinigay Niya ang Kanyang Salita sa atin upang malaman natin ang totoo, dahil ang katotohanan Niya ang magpapalaya sa atin. 



Mamuhay na tayong gaya ng mga manlulupig at isabuhay ang nagbibigay-buhay, naghahatid-pag-asa, at maninipa-diyablong kapangyarihang bigay ng Salita ng Diyos. 



Magnilay




  • Isinasabuhay mo ba ang nabasa mo sa Biblia? O hinahayaan mo ang sarili mong dayalogo ang mangibabaw at nakawin ang iyong kakayahang ipamuhay ito?

  • Ano ang pinakamahirap na hamong kinakaharap mo ngayon? Gamitin ang oras upang maghanap sa Biblia ng bersikulong makakatulong na mailapat ang Katotohanan ng Diyos sa paglakad mo tungo sa tagumpay.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

How to Start Reading the Bible

Maging tapat tayo: Alam natin na magandang ideya na basahin ang Biblia, ngunit mahirap alamin kung saan magsisimula. Sa susunod na apat na araw, malalaman natin kung bakit mahalaga ang Biblia, kung paano magsimula ng pan...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya