Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa

Better Together

ARAW 9 NG 24

Ang Kapalaluan ay Sumisira, ang Kapakumbabaan ay Bumubuo

Ang kapalaluan ay sumisira ng mga relasyon. Ito ay nakikita sa iba't-ibang paraan, tulad ng pamimintas, pakikipagpaligsahan, katigasan ng ulo, at pagiging mapaimbabaw.

Ang problema sa kapalaluan ay ang pagiging mapanlinlang nito sa mismong sarili natin. Lahat ng tao ay nakikita ito sa atin maliban sa atin mismo. Kapag may problema ka sa pagiging palalo, hindi mo ito nakikita sa buhay mo.

Sinasabi sa Mga Kawikaan 16:18 na, “Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak” (RTPV05). Gustung-gusto ko ang bersikulong ito na binigyan ng ibang paliwanag sa Message translation: “First pride, then the crash — the bigger the ego, the harder the fall."

Nakakasira ng mga relasyon ang kapalaluan, ngunit ang kapakumbabaan ang panlunas sa kapalaluan. Ang kapakumbabaan ay bumubuo ng mga relasyon. Sinasabi ng Biblia sa 1Pedro 3:8 na, “Magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba” (RTPV05).

Paano kaya tayong lalago sa kapakumbabaan? Nangyayari ito kapag hinahayaan natin si Jesu-Cristong pamahalaan ang ating mga kaisipan at ang ating mga puso at mga saloobin at mga reaksyon. Kailangang maging bahagi Siya nito. Sinasabi sa Mga Taga-Efeso 4:23-24 na, “Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip” (RTPV05).

Paano kang magiging bagong nilalang? Paano ka magsisimulang mag-isip sa ibang pamamaraan? Ang pangunahing batas sa mga relasyon ay ito: Nagiging katulad ka ng mga taong pinaggugugulan mo na iyong oras. Kapag ang oras mo ay nagugugol na kasama ang mga taong maiinitin ang ulo, lalo kang magiging mainitin ang ulo. Kapag ang nakakasama mo ay mga masasayang tao, nagiging mas masasayahin ka rin. Kung nais mong maging mas mapagpakumbaba, gumugol ka ng oras kasama si Jesu-Cristo. Siya ay mapagpakumbaba. Ninanais Niyang magkaroon ng relasyon sa iyo. Nais Niyang gugulin mo ang oras mong kasama Siya sa pananalangin at pagbabasa ng Banal na Salita at pakikipag-usap sa Kanya. Siya ay mapagpakumbaba, at habang nakikilala mo Siya, mas magiging tulad ka Niya.

“Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili…. Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit Siya'y likas at tunay na Diyos, hindi Niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.” (Mga Taga-Filipos 2:3, 5-6 RTPV05).

Walang naging mas mapagpakumbaba kaysa kay Jesus, na nanggaling mula sa Langit at bumaba dito sa Lupa upang maging tao, nabuhay dito para sa atin, ibinigay ang Kanyang buhay para sa atin, at nabuhay na muli para sa atin. Kapag gumugugol ka ng oras kasama Siya, nagiging mas mapagpakumbaba ka, at ito ang bumubuo ng iyong mga relasyon.

Pakinggan ngayong araw na ito ang audio teaching mula kay Pastor Rick >>

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Better Together

Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! ...

More

Ang gabay na ito © 2015 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya