Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa

Better Together

ARAW 24 NG 24

Paano ba Tumutugon ang Diyos sa Iyong Pagiging Bukas-Palad?

May narinig akong kuwento tungkol sa isang lalaking dinala ang kanyang anak sa McDonalds at ibinili ito ng sobrang laking karton ng french fries. Nang pauwi na sila, napakabango ng amoy ng french fries, kaya't kumuha siya ng isang maliit na piraso nito mula sa karton ng anak niya at kinain ito. Nagalit ang kanyang anak at sinabi, “Dad, hindi mo maaaring kunin iyan. Fries ko ito!” Tatlong bagay ang agad na naisip ng ama:

“Una, nakalimutan ng anak kong ako ang pinagmulan ng lahat ng fries na iyon. Dinala ko siya sa McDonalds, bumili ako, binayaran ko, ibinigay ko sa kanya, at inihatid ko siya pauwi. Ang tanging dahilan kung bakit mayroon siyang fries ay dahil sa akin, ang Dakilang Tagapamigay ng Fries!

“Ikalawa, hindi nauunawaan ng anak kong anumang oras ay maaari kong kunin sa kanya ang fries kung gugustuhin ko. O, sa kabilang banda, maaari ko siyang ibili ng isang trak ng fries kung gugustuhin ko, dahil may kapangyarihan akong gawin ang alinman sa dalawa.

“Ikatlo, hindi ko kailangan ang fries niya. Kayang-kaya kong bumili ng para sa akin. Makakabili ako ng isang daang karton nito kung gugustuhin ko. Nais ko lamang na matuto siyang hindi maging maramot.”

Ang tatlong mga aral na iyon ay siya ring nais ng Diyos na matutunan mo upang maging bukas-palad ka sa ibang tao. Una, nais ng Diyos na alalahanin mong Siya ang pinagmulan ng lahat ng nasa sa iyo. Wala kang kahit ano — ni hindi ka mabubuhay!— kung hindi dahil sa Diyos. Pinili Niyang likhain ka at ibigay ang lahat ng bagay na mayroon ka ngayon. Ikalawa, maaaring kunin ng Diyos lahat iyon sa isang saglit, o maaari rin Niyang doblehin ang mga ito, dahil mayroon Siyang kapangyarihan. Ikatlo, hindi kailangan ng Diyos ng salapi mo. Nais lamang Niyang matutunan mong maging hindi maramot at maging bukas-palad. Nais Niyang linangin mo ang iyong pananampalataya.

Anong mangyayari kapag nagsimula kang maging bukas-palad? Sinasabi ng Biblia sa 2 Mga Taga-Corinto 9:8 na, “Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa” (RTPV05).

Sinasabi ng Diyos na kapag naging bukas-palad ka, ibibigay Niyang lahat ang iyong pangangailangan at higit pa rito para mayroon kang sapat para maibahagi sa ibang tao. Naghahanap Siya ng daluyan na parang isang straw, at kapag ito ay natagpuan Niya — isang taong handang magsabi, “Diyos ko, gamitin mo ako upang maging pagpapala sa ibang tao” — magsisimula Siyang ibuhos ang pagpapala sa pamamagitan nito.

Kapag natutunan mong maging bukas-palad, pagpapalain ka ng Diyos na higit pa sa iyong inaakala!

Pakinggan ang audio teaching para sa araw na ito mula kay Pastor Rick >>

Banal na Kasulatan

Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Better Together

Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! ...

More

Ang gabay na ito © 2015 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya