Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa

Better Together

ARAW 3 NG 24

Kapag May Hinaharap Kang Kaligaligan, Ang Pamayanan ang Iyong Garantiya Laban sa Kapahamakan

Kapag nakakaranas ka ng paghihirap sa buhay mo, kailangan mo ng mga taong sasamahan ka sa iyong pananangis.

May mga pangyayaring hindi kailanman dapat pagdaanan ng isang tao nang nag-iisa. Walang sinuman ang nararapat maghintay nang mag-isa sa ospital habang ang kanyang mahal sa buhay ay dumadaan sa isang maselang operasyon. Walang kahit sinong babae ang nararapat na mag-isang hintayin ang ulat mula sa laboratoryo para sa isang problemadong pagbubuntis. Walang sinumang tao ang nararapat maghintay nang mag-isa habang hinihintay ang ulat mula sa larangan ng digmaan. Walang sinuman ang nararapat maiwang nag-iisa habang nakatayo sa gilid ng bukas na puntod. Walang sinuman ang nararapat na mag-isang harapin ang unang gabi pagkatapos mamatay ang kanyang asawa o kaya naman ito ay lumayas.

Isang katotohanang ang ilan sa mga ito ay mangyayari sa iyo. Hindi mo ito maiiwasan. Magdadaan ka sa isang malungkot na pangyayari. May matatanggap kang masamang balita. Makakaranas ka ng kalungkutan. Isang hangal lamang ang magtatangkang tahakin ang buhay nang hindi handa para sa mga bagay na alam mong mangyayari. Ang panahon upang bumuo ng garantiya laban sa kapahamakan — ang iyong grupo ng mga tagasuporta at mga kaibigan — ay ngayon na.

Ano ang garantiya ng Diyos laban sa kapahamakan? Ito ay ang grupo ng mga mananampalataya. Hindi mo kailangan ng isang daang tao. Ang kailangan mo lamang ay lima o anim — isang grupo ng mga mananampalatayang tapat sa iyo.

May isang lalaking dumalo sa Saddleback Church sa loob ng pitong taon. Naroon lang siya sa bleachers. Hindi siya nakikilahok sa kahit anong gawain, at hindi siya sumali sa maliit na grupo. Dumadalo siya para lamang sumamba at pagkatapos ay umaalis na rin. Isang araw, inatake siya sa puso at na-ospital siya ng dalawang linggo. Nasa biyahe ako noon at hindi ko nalaman ang tungkol dito hanggang sa ako ay makabalik. Nang siya ay makalabas na ng ospital, dumalo siya sa iglesia at sinabi, “Aalis na ako sa iglesiang ito.” Tinanong ko, “Bakit?” Sumagot siya, “Dahil hindi kayo magiliw sa kapwa. Wala man lang dumalaw sa akin sa ospital.” Sa kanyang pag-alis ay naisip ko, “Kasalanan mo iyan!”

Wala siyang inalalang sinuman kundi ang sarili niya. Hindi man lang nakipagkilala sa kaninuman. Hindi siya sumali sa maliit na grupo, hindi siya nagbigay, hindi siya kailanman nakibahagi. Kasalanan niya kung bakit nang may dumating sa kanyang panahon ng kagipitan, walang dumamay sa kanya, dahil wala siyang pakikipag-ugnayang ginawa.

Hindi iyan ang hinahangad ng Diyos na pagdaanan natin sa buhay. Narito ang plano ng Diyos:“Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. (Mga Taga-Roma 12:15 RTPV05).

Ang pamayanan ang sagot ng Diyos sa kawalang pag-asa. Nilikha ka upang ibahagi ang buhay mo sa ibang tao! Ngayon na ang panahon upang humanap ka ng mga taong susuporta sa iyo sa pagtahak mo sa buhay, na makikisaya sa iyo sa mga katagumpayan mo at makikitangis na kasama ka sa panahon ng kabagabagan.

Pakinggan ngayong araw na ito ang audio teaching mula kay Pastor Rick >>

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Better Together

Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! ...

More

Ang gabay na ito © 2015 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya