Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Buhay Na Masagana | 5-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa

Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom

ARAW 5 NG 5

Naranasan mo na bang...

Naranasan mo na bang ma-scam o maloko ng dahil sa pera? Talagang magagalit tayo kapag nangyari ito. Kaya bakit sasadyain nating gawin ito sa ating mga sarili?

Kung ikaw ay namumuhay ng dalawang pamumuhay--isang klase ng tao sa isang sitwasyon, at ibang tao naman sa ibang sitwasyon, ikaw ay namumuhay sa kasinungalingan. Anong sasabihin ng mga tao sa'yo kung nalaman nila kung sino ka talaga?

Piliing mamuhay ng may integridad

Ang pamumuhay ng may integridad ay isang bagay na walang sinumang makagagawa para sa'yo. Kailangan mong piliin itong gawin para sa sarili mo.

Ang salitang "integrity" ay nagmula sa salitang ugat na "integer", ibig sabihin ay "buo". Sa madaling salita, walang pagkakaiba sa nakikita ng publiko at sa pribadong mong buhay. Ang mga taong may integridad ay walang itinatago at walang kinatatakutan. Ang personal na integridad ay mapananaligan, totoo at namumuhay ng may matibay na paniniwala.

Ganoon tayo dapat mamuhay. Kung ikaw ay namumuhay sa katotohanan, ang mga taong nasa paligid mo ay dapat nakikita ang kasang-ayon sa iyong lifestyle. Makikita nila ang totoong ikaw sa kung paano ka namumuhay, gayun din sa iyong pagsasalita.

Ang taong may integridad ay tinutupad ang kaniyang sinasabi, sinusunod ang commitment at nagsasabi ng totoo. 

Tandaan natin: Pinalalakas tayo ni Jesus upang mamuhay ng may integridad.

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo: 

  • Palakasin ka upang mamuhay sa katotohanan.
  • Turuan ka na mamuhay ng tama.
  • Bigyan ka ng karunungan upang mamili ng tamang desisyon.

Pag-isipan:

  • Anong itsura ng pamumuhay ng may integridad sa aking tahanan?
  • Paano akong mamumuhay ng may integridad sa aking trabaho?
  • Anong legacy ang maiiwan ko sa mundo? 

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos. 

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom

Si Jesus ang Manlilikha ng buhay - Siya lamang ang may disenyo sa bawat aspeto ng buhay natin. Ibig sabihin, alam Niya ang kailangan nating gawin para maging mapalad at matagumpay. Gusto mo ba ng ganitong klaseng buhay?...

More

Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries at ang kanilang ministeryo sa pagiging alagad, ang Light ay nagdadala ng Kalayaan sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya