Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Buhay Na Masagana | 5-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa

Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom

ARAW 4 NG 5

Naramdaman mo na bang mag-isa ka?

Higit pa sa kung sinuman sa mundong ito, naiintindihan ka ni Jesus sa pakiramdam na ito. Noong Siya ay nasa krus, dala ang bigat ng ating mga kasalanan, umiyak Siya ng matindi, "Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?" 

Naiintindihan ng Diyos ang ating pagiging tao, dahil kahit na Siya'y Diyos, nagkatawang tao rin Siya.

Maaaring ganoon din ang pakiramdam mo na mag-isa ka, walang nagmamahal sa'yo, o kaya kinalimutan ka ng lahat.

Maaaring pakiramdam mo, wala ka nang pag-asa. Baka hindi mo rin nakikita kung may liwanag pa na naghihintay sa'yo. Kung ganito ang sitwasyon mo, gusto ng Diyos na malaman mo na may dakila Siyang plano para sa kinabukasan mo. Gusto Niyang bigyan ka ng panibagong pag-asa. 

Kasama mo Siya.

Ano mang sitwasyon ang mayroon ka, hindi ka nag-iisa. Hindi totoong walang nagmamahal sa'yo at hindi ka kinalimutan. Mahalaga ka kay Jesus at mahal ka Niya. Ipinangako Niyang kapag tayo'y parte ng pamilya Niya--anuman ang mangyari--palagian natin Siyang kasama.

Hindi naman lahat ng bagay na gusto natin ay nangyayari. Maraming bagay ay wala sa ating kontrol. Ang kaya lang nating i-control ay kung paano tayo tumugon. Maaari nating piliin tumakbo papalapit kay Jesus upang makasumpong ng kapahingahan at kapanatagan.

Tatakbo ka ba sa Kaniya kung ikaw ay nalulungkot, nadi-discourage at depress?

Tandaan natin: Maaari kang lumapit sa Diyos upang makasumpong ng pag-asa, kapahingahan at kapanatagan. Lagi Siyang tapat.

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • Palakasin ka sa pamamagitan ng Kaniyang presensya.
  • Bigyan ka ng kapanatagan sa panahong ikaw ay nalulungkot.
  • Bigyan ka ng pag-asa, layunin at direksyon.

Pag-isipan:

  • Bakit ba ako lalapit kay Jesus?
  • Pipiliin ko bang isuko ang lahat ng aking dalahin?
  • Talaga bang maaasahan ko Siya at ang plano Niya sa aking buhay? 

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos. 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom

Si Jesus ang Manlilikha ng buhay - Siya lamang ang may disenyo sa bawat aspeto ng buhay natin. Ibig sabihin, alam Niya ang kailangan nating gawin para maging mapalad at matagumpay. Gusto mo ba ng ganitong klaseng buhay?...

More

Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries at ang kanilang ministeryo sa pagiging alagad, ang Light ay nagdadala ng Kalayaan sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya