Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na Espiritu: Tayo ba ay Nasusunog O Di-Nasusunog?Halimbawa

Holy Spirit: Are We Flammable Or Fireproof?

ARAW 7 NG 7

Hindi Na Pangkaraniwan  


Ang Banal na apoy na nanggagaling mula sa bautismo ng Banal na Espiritu ay nagbabago ng iyong katayuan mula sa pangkaraniwan patungo sa di-pangkaraniwan. Nagkakaroon ka ng Banal na tungkulin at gawain upang hindi ka na mabuhay para sa iyong sarili; isinusuko mo ang iyong takot at ambisyon at nagkakaroon ka ng Banal na layunin. Ikaw ay nagiging piniling sisidlan.



Nakikita ni Moises ang mga palumpong at mga halaman araw-araw sa loob ng 40 taon. Hindi siya pumupunta na tumitingin o pinag-aaralan ang mga palumpong. Ang mga palumpong sa ilang ay hindi kaakit-akit, hindi inaalagaan, makulay o namumukadkad. Hindi sila maganda. Subalit kinuha ng Diyos ang isa sa kanila, isang pangkaraniwan, at ginawa itong pambihira. Ito ay nagliliyab—ngunit hindi nasusunog (Exodo 3:2). Pagkatapos Siya ay nagsalita mula rito—ang boses mula sa nagliliyab na puno. Si Moises, sa isang banda, ay katulad ng palumpong—pangkaraniwan at mababang klase pa nga. Siya ay isang pirasong tuod na kahoy—isang takas na mamamatay-tao na nagtatago sa hustisya at walang kinabukasan. Siya ay isa lamang pastol, at "ang mga taga-Egipto'y namumuhi sa mga pastol." (Genesis 46:34 RTPV05). 



Nakita ni Moises ang puno na nagliliyab na hindi naging abo. Wala siyang ideya na ito ay karanasang nakapagpapabago ng buhay. May pagtataka, siya ay bumaling upang tingnan ito, pinagmasdan ito na may paghanga. Pagkatapos, ang Banal na apoy ay tumalon mula sa palumpong patungo sa kanyang mismong kaluluwa. Si Moises ang isang mortal, ay naging Taong Apoy. " Ginawa Niyang... ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod” (Mga Hebreo 1:7 RTPV05). Sa araw na iyon, kung ikaw ay bumaling sa nagliliyab na puno, hindi ka na magiging pangkaraniwan.



“Ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay isang nagniningas na karwahe na mayroong nag-aapoy na mensahero, nagpapangaral ng nagliliyab na Ebanghelyo sa gulong ng apoy! Hayaang gawin ng Banal na Espiritu ang iyong buhay na nagniningas na karwahe.” Reinhard Bonnke


Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Spirit: Are We Flammable Or Fireproof?

Mayroong masigla, nakabubuhay ng patay na kapangyarihan na nakapaloob sa iyo. Ang Ebanghelistang si Reinhard Bonnke ay sumulat ng matinding katuruan ukol sa Banal na Espiritu para sa iyo at sumulat ng mabisang Points of ...

More

Nais naming pasalamatan ang CfaN Christ For All Nations sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://shopus.cfan.org/collections/reinhard-bonnke/products/holy-spirit-are-we-flammable-or-fireproof-english

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya