Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na Espiritu: Tayo ba ay Nasusunog O Di-Nasusunog?Halimbawa

Holy Spirit: Are We Flammable Or Fireproof?

ARAW 2 NG 7

Si Jesus ay Binautismuhan sa Banal na Espiritu 


Bagamat ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, si Jesus ay nangangailangan ng Espiritu sa pagsisimula Niya ng Kanyang ministeryo. Habang binabautismuhan ni Juan na Tagapagbautismo si Jesus sa Jordan, ang pangalawang bautismo ay naganap. Ang Espiritu ng Diyos ay bumaba sa Kanya, katulad ng kalapati, hindi bilang nagliliyab na apoy, sapagkat walang dapat tupukin kay Jesus.



Ang pinakadakilang huwaran para sa mga Cristiano ay si Jesus, at siya ay nabautismuhan sa Banal na Espiritu. Ang mga ebanghelyo ni Mateo, Marcos at Lucas ay pawang nagtala ng parehong pangyayari. Ang ika-apat na ebanghelyoang akalat ni Juan, ay nagbigay ng iba pang detalye. Si Juan na Tagapagbautismo, ang tagapagpauna ni Jesus, ay nagsabi, "Nakita ko ang Espiritu na bumababa na parang isang kalapati na buhat sa langit at nanatili sa Kanya." (Juan 1:32). Si Jesus mismo ay nagpaliwanag, "Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang Niya ako upang ipangaral ang Magandang Balita..." (Lucas 4:18). Si Pedro, sa Mga Gawa 10:38, ay nagsabi, "Pinuspos ng Diyos si Jesus na taga-Nazaret ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan." Sinabi ni Juan na Tagapagbautismo ang nakatutuwang bagay, "Siya ang nagsugo sa akin na magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, 'Ang sinumang makikita mong bababaan at pananatilihan ng Espiritu, siya ang magbabautismo ng Espiritu Santo sa inyo’” (Juan 1:33).



Si Cristo ay nagkaroon ng karanasan ng tao mula sa Diyos upang ipakita kung ano ang dapat na maging perpektong karanasan ng tao. Siya ang una sa karamihan. Siya ang unang tao sa mundo na binautismuhan ng Banal na Espiritu. Sinasabi sa Juan 3:34 (RTPV05) "Ang isinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng mga salita ng Diyos, sapagkat lubusang ipinagkakaloob ng Diyos ang kanyang Espiritu." Ipinahahayag ng Juan 1:16, "Dahil Siya'y puspos ng pag-ibig, naranasan natin..." Iyan ay kahanga-hangang katotohanan—ang Kanyang tinanggap ay para sa atin. Siya ay napuspos para sa atin, at tayo ay pinuno mula sa Kanyang walang hanggang kaganapan.


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Spirit: Are We Flammable Or Fireproof?

Mayroong masigla, nakabubuhay ng patay na kapangyarihan na nakapaloob sa iyo. Ang Ebanghelistang si Reinhard Bonnke ay sumulat ng matinding katuruan ukol sa Banal na Espiritu para sa iyo at sumulat ng mabisang Points of ...

More

Nais naming pasalamatan ang CfaN Christ For All Nations sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://shopus.cfan.org/collections/reinhard-bonnke/products/holy-spirit-are-we-flammable-or-fireproof-english

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya