Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Babae sa Proverbs: Karunungan, Kaugalian, at Pagiging PabulosaHalimbawa

Proverbial Girl: Wisdom, Values, and Being Fabulous

ARAW 5 NG 7

ANONG SABI?



Nagsusumikap siya upang maging Mahinahon at Maganda.



KABUUAN: Madalas kong hangaan ang kaibigan kong si Myshel. Hindi lang sya magandang babae galing Ghana, pero palagi din siyang mahinahon tumugon sa mga tao. Pinagmamasdan ko siya sa malayuan habang ibinibigay niya ang pinaka-mahinahong tugon sa pinaka-mahirap na sitwasyon. Sobra naman akong kabaliktaran. Ang mga tugon ko ay walang iba kundi malulupit, direkta at depensibo, at ang tanging naibibigay lang sa mundo ng malamig at sira kong puso ay ang katigasan at sakit. Ganun pa man, nagawa ni Myshel na magkaroon ng mahinahon na puro na lahat ng kanyang nakikilala ay nagkakaron ng pagkakataon na maranasan ito.



Isang araw, nagkaron ako ng lakas ng loob na tanungin kung ano ang sikreto niya sa pagiging mahinahon at maganda. Ang tugon niya ay parehong nagbigay sa akin ng tiwala at hamon. Ipinahayag niya na tuwing umaga bago tumindig ang mundo sa paligid niya, tumitindig siya para maglaan ng oras sa Ama. Nakikipag-usap siya sa Diyos, ibinibigay ang buong puso niya sa Kanya at papalitan Niya ito ng pagmamahal. "Naghahanap siya ng wool at flax." Lahat ng bagay na sulit magkaroon sa buhay ay sulit din hanapin. Habang ang ibang bagay ay madali lang dumadating, ang ibang mga bagay ay nanghihingi ng kaunting oras at pagsusumikap para makamit. Gaano mo kagusto ang magandang bagay para sa iyo? Payag ka ba na maglaan ng oras at pagsisikap para makita ito, para hukayin ito at hanapin ito?



Ang babae sa Proverbs ay naghahanap ng wool at flax. Ang wool ay malambot na uri ng tela at ang flax naman ay isang magandang bulaklak. Ang wool at flax ay parehong mahal. Mayroon si Myshel ng bagay na gusto ko, pero kailangan kong sumang-ayon na hanapin at magbayad ng isang bagay na minsan ay hindi ako komportable na magkaroon. Ang Babae sa Proverbs ay handang maghanap at mag-bayad ng halaga para maging mahinahon at maging maganda sa mundo na nakapalibot sa kanya dahil alam niya na sulit na sulit ito.



KAMUSTA PANGINOON, AKO ITO!

Kagustuhan ko na maging mahinahon at maganda sa pangloob at panglabas. Tulungan mo ako na mas maging mahinahon sa aking tono at mga katugunan sa aking mga kaibigan at pamilya. Hayaan Mo na sumalamin sa buhay ko kung gaano Ka kaganda at kahinahon. Sa pangalan ni Jesus, Amen.



ISABUHAY ITO:

Alamin kung saan ang mga tugon mo ay hindi mahinahon. Ngayon, sanayin na mag-isip muna bago tumugon. Gawin mong layunin na rumesponde ng mahinahon at maganda anuman ang sitwasyon.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Proverbial Girl: Wisdom, Values, and Being Fabulous

Ang Matalinghagang Babae ay puno ng nakatutuwa, nakapagbibigay inspirasyon at hamon na mga kuwentong idinisenyo upang turuan ang mga kadalagahan kung paano humayo kagaya ng isang Matalinghagang Babae NGAYON! Ginawa ito s...

More

Nais namin pasalamatan ang After The Music Stops, LLC sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://store.afterthemusicstops.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya