Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Babae sa Proverbs: Karunungan, Kaugalian, at Pagiging PabulosaHalimbawa

Proverbial Girl: Wisdom, Values, and Being Fabulous

ARAW 3 NG 7

ANONG SABI?



Mapagkakatiwalaan ba ako ng Diyos?



KABUUAN: Sino-sino ang nasa pangkat mo? Ang buhay natin ay parang isang pangkat at tayo ang kapitan. Meron tayong oportunidad na pamahalaan ang ating pangkat, at kasama dyan ang mga tao na nakakasama natin araw-araw-iyong mga magulang, mga kapatid, mga kaklase, at oo, kahit na pa ang iyong guro. Biniyayaan tayo ng Diyos ng iba't ibang klase ng relasyon na pinagkatiwalaan Niya na mapanghahawakan natin ng maayos. Kahit na ang mga tao ay nakakasakit o nakakainis, tulad ng mga naka-babatang kapatid, inaasahan Niyang mapang-hahawakan natin sila ng may pagmamahal at kabutihan.



Ngayon itanong mo sa iyong sarili ang katanungan na ito, "Nakakatulong o nakakasakit ba ako sa aking grupo?" Napaka-daling tulungan ng pangkat kapag nararamdaman natin na nalulugod at pinapahalagahan nila tayo, ngunit ang gawaing yun ay nagiging mahirap kapag nasasaktan nila tayo. Si Jesus ang pinaka-magandang ehemplo. Pinagkatiwalaan Siya ng Diyos ng napaka laking takdang aralin, at ipinakita ni Jesus ang pinaka-dakilang pagmamahal sa mga tao na hindi Siya nagawang mahalin. Nagawa Niya ito dahil pinagkatiwalaan Niya ang Diyos.



"Mapagkakatiwalaan siya ng kanyang asawa." Tiwala ang susi sa matalinong kasabihang ito. Sa kung paano ka tumutugon sa nakapalibot sa iyo na mundo ang nagpapakita kung gaano ka mapagkakatiwalaan dito at sa mga tao dito. Mapagkakatiwalaan siya ng Diyos dahil alam Niya na may tiwala ito sa kanya na poprotektahan Siya ng Diyos, kahit na sa pinaka-masakit na relasyon.



Ang Babae sa Proverbs ay mapagkakatiwalaan ng Diyos na maayos na mapamamahalaan ang mga relasyon na ibinigay sa kanya. Sinisugurado nya na ang lahat ay makakadama ng aprisasyon at pagpapahalaga, tulad nalang kung paano ito pinapa-dama ng Diyos sa atin. At tulad ng tiwala ng Diyos sa'yo sa mga relasyon, pagkakatiwalaan ka din Niya bigyan ng madami pang relasyon na mapamamahalaan at mapahahalagahan habangbuhay.



KAMUSTA PANGINOON, AKO ITO!

Gusto ko po maging isang tao na mapagkakatiwalaan Mo, kung kaya't turuan mo ako na magtiwala na hindi mo ako ilalagay sa mga relasyon na hindi makakatulong sa aking paglago.



Ipakita mo sa akin kung paano ko makikilala ang mga tao na gusto mo sa aking buhay at kung paano ko sila mapamamahalaan ng maayos, kahit na nakakadama ako ng hindi maayos na pamamahala. Sa pangalan ni Jesus, Amen.



IPAMUHAY ITO:

Anong relasyon sa iyong buhay nagbibigay sa iyo ng matinding hamon? Paano nakakatulong ang hamon na ito upang lumago ka sa pagmamahal?

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Proverbial Girl: Wisdom, Values, and Being Fabulous

Ang Matalinghagang Babae ay puno ng nakatutuwa, nakapagbibigay inspirasyon at hamon na mga kuwentong idinisenyo upang turuan ang mga kadalagahan kung paano humayo kagaya ng isang Matalinghagang Babae NGAYON! Ginawa ito s...

More

Nais namin pasalamatan ang After The Music Stops, LLC sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://store.afterthemusicstops.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya