Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 4 NG 25


Abang Mga Simulain


Ang Bethlehem ay isang maliit na bayan, hindi gaanong mahalaga kumpara sa mga kalapit na lunsod. Sa salin ng The Message (isang Ingles na salin ng Biblia) sa Mikas 5:2 ang Bethlehem ay naturingang “the runt of the litter” o "pinakakulelat" kung sa ating sariling wika. Bakit pipiliin ng Diyos na dumating sa lupa sa isang hindi mahalagang lugar? Mukha ba itong karapat-dapat na lugar ng kapanganakan ng Hari ng mga Hari?


Ang totoo nito, hindi kailanman naging interesado ang Diyos sa depinisyon ng mundo ng kadakilaan. Ang kayamanan, katanyagan, kasikatan, kapangyarihan—wala ni isa dito ang kapansin-pansin sa Diyos. Sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto, “Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas.” Ang magagawa Niya sa buhay ng isang tao ay hindi limitado sa makalupang katayuan ng tao. Kung ang Bethlehem ay "kulelat," gaanong mas maluluwalhati ang Diyos sa pagtatatag ng buhay ng Kanyang Anak doon? Hindi ang lugar na pinanimulan ng paglalakbay ni Jesus ang nagtakda kung ano ang magagawa Niya para sa Kaharian. Hindi ba at ganito rin para sa atin?


Panalangin: Ama, salamat dahil hindi Mo pinayagan na ang pinakamadidilim na panahon ng buhay ko ang aking maging limitasyon. Salamat dahil binigyan Mo ng banal ng layunin ang isang kagaya ko na hindi talaga perpekto. Pinupuri Kita sa Iyong kamangha-manghang kapangyarihan na bumubuhat sa akin sa mga panahon ng kahinaan. Alam ko na saan man ako nagsimula, dadalhin Mo ako kung saan Mo ako gustong mapunta. Salamat, Jesus, sa pagpapakita sa akin na ang mga hindi kapani-paniwalang bagay ay nagsisimula sa mga dakong aba.


I-download ang larawan para sa araw na ito here.


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tukla...

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya