Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 6 NG 25


Ang Haring Pinakadakila sa Lahat ng Hari 


Sa simula ng Awit 72, pinagdarasal ni Haring David ang kanyang anak na si Solomon, na ito ay maging dakilang hari para sa bayan ng Israel. Sa pagpapatuloy ng awit, mithi ni David ang isang perpektong Hari, at kanyang ipinahayag sa propesiya kung paano totoong maghahari si Jesus. Mahigit sa 950 na taon bago ipinanganak si Jesus, nakita ni David ang walang hanggang paghahari ng Hari ng mga Hari. Ang Haring ito ay makikilala dahil sa Kanyang habag at sa Kanyang pagliligtas sa mga dukha at nababagabag. Lulupigin Niya ang pang-aapi at karahasan, at magiging malinaw na ang Kanyang bayan ay mahalaga sa Kanya. Dahil dito, idineklara ni David na ang lahat ng mga hari ay gagalang sa harap Niya at ang lahat ng mga bansa'y maglilingkod sa Kanya.


Kinilala ni David na ang malalim na habag at paglingap sa bayan ng Diyos, pati na ang pakikipaglaban at walang hanggang paglupig sa pang-aapi, ang mga tanda ng isang perpektong Hari—isang hindi kailanman ikokompromiso ang katuwiran sa paghatol at pagmamalasakit. Bukod sa pagiging panahon ng pagdating ng Tagapagligtas sa mundo, ang Pasko ay tanda rin ng pagsisimula ng pamana ng pinakadakilang Hari ng walang hanggan. Magpapatuloy na maghari si Jesus matagal pa matapos lumipas ang mga hari at kaharian ng mundo, at makakapamuhay tayo sa Kanyang presensya at perpektong pag-ibig magpakailanman.


Panalangin: Jesus, pinararangalan Kita bilang Hari ng buhay ko rito sa lupa at sa walang hanggan! Nasasabik ako na maranasan ang kadalisayan ng Iyong pamumuno habang natatanggal ang mga kasiraan ng mundong ito. Salamat sa Iyong pagpunta sa lupa at sa paninimula Mo ng paglalakbay patungo sa trono sa aming kalagitnaan. Lubos akong nagpapasalamat na malalim ang Iyong pagmamalasakit sa akin at sa palaging pagtatanggol sa akin bilang aking Hari. Mahal Kita at nagpapasakop ako sa Iyong mga perpektong kaparaanan.


I-download ang larawan para sa araw na ito here


Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tukla...

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya