Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hindi Mapigilan ni Andy Stanley - 6 na Araw na Babasahing GabayHalimbawa

Irresistible By Andy Stanley - 6-Day Reading Plan

ARAW 6 NG 6

Kasaysayang Mahalagang Ulitin 


Kapag naririnig ko ang mga Cristiano at mga pinuno ng simbahan sa Amerika na nagrereklamo dahil sa mga balakid na kinakaharap ng simbahan sa kasalukuyan, hindi ko alam kung ako'y tatawa o iiyak. Mga balakid? Talaga? Anong mga balakid? Kapag ikukumpara mo ito sa napakahirap na mga pagsubok na hinarap ng mga mananampalataya noong una at ikalawang-siglo, ang ating mga balakid ay katawa-tawa. Ang sekularisasyon ng Amerika? Ang pagbaba ng moralidad? Ang kawalan ng kalayaan sa relihiyon? Ang maling pagsasalarawan ng Hollywood sa mga Cristiano?



Iyon lang? 



Isipin na lang na sasabihin mo ang mga reklamong ito sa ilang mga Romanong Cristiano noong unang siglo na nagsisiksikan sa silid sa likod sa ikalawang palapag ng isang bahay habang binabasa ang isang bahagi ng Ebanghelyo ni Mateo gamit ang liwanag ng isang kandila, ang tanging piraso ng Banal na Kasulatan na mayroon sila. Paano kung ibalik mo sa unang panahon ang mga taong tinalikuran ang kanilang pananampalataya dahil sa mga maling kadahilanan sa kasalukuyan sa nakakabagabag na panahong iyon ng kasaysayan ng simbahan. Isipin na lang kung gaano walang halaga, kababaw, at lubos na walang katuturan ang kanilang mga pagtatalo kung maririnig ng mga tagasunod ni Jesus na hindi kailanman nagkaroon ng anumang bahagi ng Banal na Kasulatan kundi naupo habang nagtuturo mismo si apostol Pedro.



Isipin mo kung ang grupong ito na naglalakbay sa panahon ay mapunta sa isang bahay na ginawang simbahan sa Corinto o sa Efeso. Ilarawan sa isip mo ang naguguluhang mga tingin na matatanggap ng mga nagdududang taong ito mula sa kasalukuyan kapag nagsimula silang magreklamo tungkol sa karahasang ipinapakita sa Banal na Kasulatan ng mga Judio. Ang mga tagasunod sa Daan noong unang siglo ay hindi tumalikod dahil sa karahasan. Sila'y napapaligiran nito. Bukod pa rito, ang mensahe ni Cristo ay ibang-iba sa madugo at marahas na mga pamamaraan ng imperyo at ng templo. 



Paano kaya tutugon ang mga naglalakbay na ito sa panahon sa bersyon ng pananampalataya na walang kinalaman sa sinasabi tungkol sa sangkalikhaan o sa kasaysayan ng mga Judio? Isipin na lamang ang kanilang pagkagulat kapag natuklasan nilang ang mga katangi-tanging taong ito ay piniling sumunod kay Jesus dahil nag-alok Siya ng buhay na walang hanggan at nabuhay na muli upang patunayan ang Kanyang karapatan upang gumawa ng napakamapangahas na pag-aalok na ito. 



Pero tigilan na natin ang pag-iisip.



Paano tayo tutugon?



Paano ka tutugon?



Paano kaya titingnan ng mga taong ito, na marami ay hindi nakapag-aral ngunit napakatatapang na henerasyon ng mga Cristiano ang bersyon ng pananampalataya mo? 



May isang bersyon ng pananampalataya noon na nakasalalay lamang sa nag-iisa at walang-kaparis na pangyayari—ang muling pagkabuhay. Iyan ang bersyon na ninanais kong yakapin mo. Ang orihinal na bersyon. Ang mapagtiis, mapagtanggol, bagong tipan, bagong utos na bersyon.



Pagninilay: Sa iyong palagay, ang makabagong bersyon ba ng pananampalataya ay napakadaling tanggihan kung kaya ito ay napakadaling ipagwalang-bahala? Masyado ba tayong nabubuyo sa kung anong makukuha natin dito kaysa sa kung anong hinihingi sa atin ng pag-ibig? 



Matuto ng higit pa tungkol sa IRRESISTIBLE ni Andy Stanley - AndyStanley.com/Irresistible


Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Irresistible By Andy Stanley - 6-Day Reading Plan

Noong unang panahon ay may bersyon ang ating pananampalataya na . . . hindi mapipigilan. Sa debosyonal na ito ni Andy Stanley, makikita mo ang pananampalatayang ipinamalas ng ating mga kapatid noong unang siglo kung saan...

More

Nais namin pasalamatan ang HarperCollins para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang: https://andystanley.com/irresistible/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya