Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hindi Mapigilan ni Andy Stanley - 6 na Araw na Babasahing GabayHalimbawa

Irresistible By Andy Stanley - 6-Day Reading Plan

ARAW 3 NG 6

Ang Paggawa ay Magbibigay ng Kaibahan 


Nasaksihan ni Juan ang pagkilos ng biyaya at katotohanan. Ito'y makapangyarihan. Nahigitan nito ang kasamaan at karahasang naglalarawan sa sinaunang mundo. Ang tatlong-taon ng pambihirang karanasan ni Juan kasama si Jesus, hindi ang nakita niya sa kanyang kapaligiran, ang nagdala sa kanya upang pagtibayin na ang Diyos ay pag-ibig



Ang mga pangwakas na pangungusap ni Jesus sa silid sa itaas ang naging daan upang sabihin ni Juan na ang mga taong sinasabing nagmamahal sila sa Diyos ay nararapat na mahalin ang mga minamahal ng Diyos. Para sa mga nakabasa sa mga isinulat ni Juan na nagnais (o nagnanais) na magdagdag, o suriin, o lagyan ng "paano kung" ang kanyang walang-butas na kakailanganin upang magkaroon ng pakikisama sa Diyos, sinabi pa niyang muli:



Ang hindi umiibig sa kanyang kapatid na kanyang nakikita, ay hindi maaaring umibig sa Diyos na hindi niya nakita. (1Juan 4:20)



"Hindi maaaring ibigin ang Diyos"?



Seryoso iyan.



Ang "hindi maaari" ay isang pagtukoy sa pagkakataon, hindi sa kakayahan. Ang tumangging mahalin ang isang kapatiran ay ang talikuran ang pagkakataong mahalin ang Diyos.



Maliit na halaga lamang ang inilagay ni Juan sa damdamin ng pag-ibig at pagpapahalaga sa Diyos—at natural lamang ito. Nakita niyang umagos ang dugo ni Jesus hanggang kamatayan. Hindi binayaran ni Jesus ang kasalanan sa pamamagitan ng magiliw na damdamin at marubdob na pagkahabag. Buhay ni Jesus ang ibinayad para sa mga kasalanan ni Juan. Ang mapagsakripisyong pagpapakita ng pag-ibig ni Jesus ang nagbigay-daan upang mapawi ang mga kasalanan ni Juan. Para kay Juan, ang hindi naipakitang pag-ibig ay hindi pag-ibig. Sinasabi niya:



Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa kapatiran . . . Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa. (1Juan 3:16, 18)



Para kay Juan, kay Pablo, at kay Jesus, ang pagmamahal sa mga tao ay pagmamahal sa Diyos. Hindi dahil ang mga tao ay ang Diyos, kundi dahil sila'y minamahal ng Diyos. Ang pagtangging mahalin ang isang kapatid ay katumbas ng pagtangging mahalin ang Diyos. Sa bagong tipan, hindi natin minamahal ang Diyos at minamahal ang ating kapwa. Sa bagong tipan, minamahal natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa. 



Ang hindi umiibig sa kanyang kapatid na kanyang nakikita, ay hindi maaaring umibig sa Diyos na hindi niya nakita. (1Juan 4:20)



Hindi ang mga relihiyosong mga bagay na ating ginagawa, ang mga dasal na ating ipinapanalangin, ang mga kasalanang ating ikinukumpisal, o maging ang mga tinapay na kinakain natin sa Komunyon ang nagpapakita ng ating pagmamahal sa Ama. Mas simple pa diyan.



Gawain:Magpakita ng pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal sa isang kaibigan, katrabaho, o isang miyembro ng pamilya. 


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Irresistible By Andy Stanley - 6-Day Reading Plan

Noong unang panahon ay may bersyon ang ating pananampalataya na . . . hindi mapipigilan. Sa debosyonal na ito ni Andy Stanley, makikita mo ang pananampalatayang ipinamalas ng ating mga kapatid noong unang siglo kung saan...

More

Nais namin pasalamatan ang HarperCollins para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang: https://andystanley.com/irresistible/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya