Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawaHalimbawa

Breathe Spiritual Passion Into Your Marriage

ARAW 6 NG 7

“Kasal Gaya ng Isang Monghe”

Hindi ba't totoo na maraming alitang mag-asawa ay resulta ng damdaming nabigo tayo ng ating asawa? Nais natin silang maging ganito o gumawa ng ganyan o maunawaan ang isang bagay at hindi sila ganoon o hindi nila magawa ang ganyan, at naaawa tayo sa ating sarili. Nais talaga nating mahalin nila tayo nang tulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Inaasahan nating alam nila kapag nakakapagod ang araw natin; na kunwari lamang kapag sinasabi nating, “Huwag kang mag-alala. Hindi ito malaking bagay. Wala akong kailangan na espesyal”; na alam nila kung kailangan natin sila na maging malakas o malambing, na pagbigyan tayo o huwag tayo pagbigyan, dahil lamang sa ito ang kailangan nating gawin nila. Kung totoong mahal nila tayo, alam na nila yon, di ba?


Maging totoo: Minsan ganito ang iniisip at nararamdaman mo di ba?


At alam mo namang imposibleng pasanin ito para sa isang tao-lamang na asawa, di ba?


Ngunit paano kaya kung hanapin ko ay isang “buhay may-asawa na tulad ng sa isang monghe”? Paano kung pagpasyahan ko na tanging sa Diyos lang ako dedepende, walang aasahan mula sa aking asawa ngunit dedepende sa Diyos lang para sa lahat ng aking mga pangangailangan, kasama na ang mga emosyonal at relasyonal na mga pangangailangan?


Sa gayon sa halip na maghihinanakit ako dahil sa hindi ginagawa ng aking asawa, mabibigla ako (sa mabuting paraan) sa bawat bagay na gagawin niya. Mapupuno ako ng pasasalamat sa halip na sama ng loob.


Hindi ba ang eksaktong kabaligtaran ang nangyayari sa buhay may-asawa? Kapag nagliligawan at may ginawang maganda para sa iyo, iisipin mo ang: Ang galing naman! Kung kinasal na kayo at hindi niya maabot ang inaakala mong marapat na iukol sa pagreregalo niya sa iyo, iisipin mo ang: Ito lang ang binigay niya? Talaga lang?


Kaya nga gusto ng “buhay may-asawa na tulad ng sa isang monghe,” na may mga benepisyo ng pagkakaroon ng asawa na maka-Diyos, ngunit may saloobin na tulad ng sa isang monghe, na walang inaasahan, dumedepende sa Diyos, at sa gayon ay tunay na nagpapasalamat sa anumang ipagkaloob sa akin ng asawa ko.


* Nakikita mo ba sa sarili mo ang saloobing puno ng pagpapasalamat, o puno ng sama ng loob? Paano makakapagpabuti ang “buhay may-asawa na tulad ng sa isang monghe” sa iyong pakikipagrelasyon sa iyong asawa?


Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Breathe Spiritual Passion Into Your Marriage

Hango sa kanyang bagong aklat na "A Lifelong Love," tinatalakay ni Gary Thomas ang walang hangganang mga layunin ng pag-aasawa. Pag-aralan ang mga praktikal na kaparaanan upang ang inyong buhay mag-asawa ay magbigay ng s...

More

Nais naming pasalamatan si David C. Cook sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.dccpromo.com/a_lifelong_love/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya