Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bigyan ng Espirituwal na Alab ang Inyong Buhay Mag-asawaHalimbawa

Breathe Spiritual Passion Into Your Marriage

ARAW 4 NG 7

“Makalangit na Pagtitiwala”

Kung ang iyong buhay may-asawa ay tila isang biro o nanganaganib nang mauwi sa kaguluhan, ito'y hindi lingid o higit sa kakayanang salbahin ng Diyos. Napakarami sa mga kasalukuyang katuruang Cristiano ang patungkol sa paglilinang ng "ating" mga kaloob, pagpapahusay ng “ating” mga talento, pag-aabot sa sukdulan ng “ating” kakayanan, ngunit napakarami sa mga katuruan at pagpapahalimbawa ni Jesus ay patungkol sa pagsuko sa pagkilos ng Espiritu Santo. Hayaang turuan tayo ng buhay may-asawa na magtiwala sa Espiritu Santo na ito. Napatunayan na Niya ang Kanyang Sarili. Kung talagang nais nating mabago ang ating buhay may-asawa, kailangan nating matutunan ang kaluwalhatian ng makalangit na pagtitiwala.


Hindi tayo kailanman tatawagin ng Diyos na gumawa ng isang bagay nang hindi ipinagkakaloob ang lahat ng kakailanganin natin para makumpleto ang pinagagawa. Maaari nating isipin na hindi iyon ang ating kailangan, ngunit iyon lang talaga ang ating kakailanganin. Hindi sinasabing madali ang tatrabahuin. Ngunit ipinapangako ng Diyos sa Isaias ang, “Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.” (Isa. 40:29 RTPV05).


Huwag laktawan ang kaisipang ito, dahil ito'y napakahalaga: Ipinapalagay sa Isaias 40:29 na tatawagin tayo ng Diyos sa iba't ibang mga gawain na kulang ang ating sariling kakayanan.


Ang “sikreto,” kung gayon, sa tunay na banal na buhay may-asawa ay sa katunayan isang tao, ang ipinangako ng Diyos na Espiritu Santo. Dahil ang Diyos ay isang lubos na nakikipag-ugnayang Diyos (tinugunan ang ating pangangailangan ng kaligtasan sa pagpapadala ng Kanyang Anak), hindi tayo dapat magulat na tinutugunan Niya ang ating pangangailangan na magbago sa pagpapadala rin ng Kanyang Sarili sa katauhan ng Espiritu Santo.


At dahil ang buhay may-asawa ay isa sa mga pinakadakilang paraan ng pagsamba na maaring pagsaluhan ng dalawang mananampalataya, imposibleng mamuhay bilang mag-asawa sa banal na pamamaraan nang hindi aktibo ang Espiritu Santo sa ating mga buhay, na tumutulong sa atin na maunawaan ang kahulugan ng pagmamahal, na nagbibigay sa atin ng kapangyarihan na magmahal, na nagpapakita nang malinaw sa atin kapag bigo tayong magmahal, na nagpapanibago ng ating mga puso kapag pagod na tayong magmahal, at na nagbubuhos ng pag-asa kapag nanghihina na ang ating loob sa pagmamahal.


* Nakasandal ka ba sa Espiritu Santo para palakasin ka at ang inyong buhay may-asawa? Ano ang isang partikular na pagkakataon na kulang ka ng kakayanan, ngunit pinalakas ka ng Espiritu Santo?


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Breathe Spiritual Passion Into Your Marriage

Hango sa kanyang bagong aklat na "A Lifelong Love," tinatalakay ni Gary Thomas ang walang hangganang mga layunin ng pag-aasawa. Pag-aralan ang mga praktikal na kaparaanan upang ang inyong buhay mag-asawa ay magbigay ng s...

More

Nais naming pasalamatan si David C. Cook sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.dccpromo.com/a_lifelong_love/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya