Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa

The Heartbeat of God

ARAW 6 NG 30

PANGINOON NG MGA HUKBO

Mga Awit 24:10


O Diyos, Ikaw ang Panginoon ng mga Hukbo, Kapitan ng mga hukbo ng Anghel!
Makalangit at Banal na Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya, pinipili kong maniwala sa Iyo- gayundin sa lahat ng bagay na "sa Iyo" - mga bagay na hindi nakita ng mata at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao; Naniniwala ako sa lahat ng inihanda Mo para sa mga nagmamahal sa Iyo! Ang Iyong mga anghel ay bahagi ng Iyong banal na kaharian, nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap; O Diyos ng Langit at Lupa, ang iyong mga misteryo ay kahanga-hanga sa akin! Hindi ko nakikita ang mga makalangit na nilalang o ang kanilang mga karong apoy, ngunit alam kong iniuutos Mo sa Iyong mga anghel na palibutan ang lahat ng mga gumagalang sa Iyong pangalan. At hindi ko nararamdaman ang mga pakpak ng mga anghel na nakapalibot sa akin, ngunit naniniwala ako na binigyan Mo sila ng utos na bantayan ako sa lahat ng aking mga lakad. Hindi ko rin naririnig ang kanilang walang kapantay na himig, ngunit alam ko, O Panginoon ng mga hukbo, buong araw silang sumasamba sa Iyo. Pakinggan ang puso kong umaawit,"Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan! Ikaw ay karapat-dapat sa lahat ng papuri!Purihin ang Diyos! Purihin ang Panginoon mula sa langit; purihin Siya sa kaitaasan! Purihin Siya lahat ng Kanyang mga anghel; purihin Siya ng lahat ng Kanyang hukbo!"
Oo, hangga't may hininga ako, pupurihin ko rin ang Panginoon!


© Chris Baxter 2014 - Clear Day Publishing


Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

The Heartbeat of God

Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O...

More

Nais naming pasalamatan si Chris Baxter sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.respitefortheweary.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya