Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa

The Heartbeat of God

ARAW 9 NG 30

ANG BANAL

Mga Awit 99:5-6

O Diyos, Ikaw ang Banal - dalisay at ganap at makapangyarihan - matuwid at nagniningning at nananagana - maharlika at malakas at kahanga-hanga. Ikaw ang naghahari; Ikaw ay nababalot sa karilagan; Binalot at pinaligiran mo ang Iyong sarili ng kalakasan; tunay ngang ang mundo ay matibay na naitatag, hindi ito matitinag. Ang iyong kaharian ay naitatag noong una pa lamang; Ikaw ay nagmula pa sa walang hanggan. O banal na Diyos, sinasamba kita habang ako ay nakaluhod. Pinupuri Kita. Sapagkat sa kalagitnaan ng Iyong kabanalan, aking pinagninilayan ang Iyong walang humpay na pagmamahal, ang kahanga-hangang pagmamahal. Isipin na lamang na ipinadala Mo ang Iyong banal na Anak na walang kapintasan, si Jesu-Cristo, upang ako ay magkaroon ng pamamaraang lumapit sa Iyong trono ng biyaya nang may kalakasan ng loob. Dito, natatamo ko ang kahabagan mula sa Iyo! O Aking Hari, ako ay narito. Padalisayin Mo ang aking mga labi at hayaan Mong ang aking tinig ay marinig kasabay ang hukbo ng kalangitan, habang umaawit, "Banal, Banal, Banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan. Ang sangkalupaan ay puno ng Kanyang kaluwalhatian."

© Chris Baxter 2014 -  Clear Day Publishing


Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

The Heartbeat of God

Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O...

More

Nais naming pasalamatan si Chris Baxter sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.respitefortheweary.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya