Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paano Mailalaan ang Pagtatalik para sa Kasal?Halimbawa

How to Save Sex for Marriage?

ARAW 2 NG 3

Saan mo Itatakda ang Hangganan?


Kilalanin ang sumusunod na sukatan ng pisikal na ugnayan at itakda ang hangganan na sa palagay mo ay para sa iyo. Sa madaling salita, pagkatapos mong hanapin ang karunungan ng Diyos, saan mo itatakda ang hangganan?



Ang layunin ay hindi lamang pag-iwas sa isang mabuting bagay dahil sinabihan kang mali ito. Ang pag-iwas sa pakikipagtalik bago ang pag-aasawa - na nilikha ng Diyos at mabuti - ay nagbibigay-puri sa Diyos at makikinabang ang buhay may-asawa mo nang pangmatagalan. 



Ang pansamantalang pagsuko ng iyong simbuyo ng damdamin sa Diyos ay nagtatanggal ng damdaming ng pagkakasala, tumutulong sa iyong ituon ang pakikipag-ugnayan sa iba pang mga paraan, at bumubuo ng mga biyaya para sa iyo sa hinaharap. 



Maaari naming sabihin sa iyo sa mga tiyak na termino kung saan sa palagay namin ay dapat mong itakda ang iyong mga hangganan. Maaari naming ituro na anumang oras na malampasan mo ang ikalimang yugto ay nagiging mas mahirap nang mapanatili ang kontrol. Ngunit ang pagsasabi sa iyo kung ano ang gagawin ay walang pagkakaiba maliban kung may paniniwala ka nang may pananalig. Hindi kami maaaring maging konsensya mo. 



Ito ay isang pagpapasya na nangangailangan ng seryosong pag-iisip, malinaw na pag-unawa kung saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga, at masusing pagsusuri ng iyong mga kaisipan sa iyong bahagi. "Subukin ninyo ang inyong mga sarili," sabi ni Pablo sa 2 Mga Taga-Corinto 13: 5, "kung kayo ay namumuhay ayon pananampalataya." Kailangan mong maingat na isaalang-alang kung ano ang katanggap-tanggap sa iyo at sa iyong taong nakaka-date, ayon sa iyong mga pagpapahalaga at mga layunin. 



Kailangan mong magpasya kung ano ang hindi maaari pagdating sa pisikal na pakikipag-ugnayan, at kailangan mong magpasya kung anong mga tagpo (ang maiwan kayong dalawa lamang sa bahay, halimbawa) ang hindi maaari pagdating sa kung paano mo ipapahayag ang iyong damdamin. Kailangan mo ring isaalang-alang ang uri ng mga kasuotan na iyong isusuot sa inyong paglabas at kung ito ay makakahadlang upang panatiliin mo ang iyong pagpapasya.



Ang pagtatakda ng mga hangganan ay isang desisyon na kailangan mong gawin sa iyong sarili at paglaon ay maari ninyong pag-usapan ng iyong kapareha. Kapwa dapat ninyong malaman kung ano ang mga hangganan.  


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

How to Save Sex for Marriage?

Sa tuwing may nagtatanong sa atin kung naniniwala tayo sa pakikipagtalik nang hindi kasal ay sumasagot tayo ng "oo at hindi." Ito ay isang nakalilitong sagot sa simula, ngunit nagbibigay ito sa atin ng pagkakataon upang ...

More

Nais naming pasalamatan ang Les Parrott para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://www.SYMBIS.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya