Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paano Mailalaan ang Pagtatalik para sa Kasal?Halimbawa

How to Save Sex for Marriage?

ARAW 1 NG 3

Masama Ba ang Pakikipagtalik Bago ang Kasal? 


Ang pakikipagtalik ay isang "pinag-isang buhay na gawain," tulad ng tawag ng ating kaibigan na si Lewis Smedes. Iyon ang dahilan kung bakit ang pakikipagtalik sa labas ng kasal ay "pinaagang pagtatalik." Nilalabag nito ang inilaang layunin ng pagtatalik. "Ito ay mali," ayon kay Smedes, "dahil ang mga walang asawa ay nasasangkot sa pag-iisang buhay na walang hangarin na maging iisa.... Ang pagtatalik ay nagbibigay-palatandaan at nagtatatak—at marahil ay naghahatid—ng pinag-isang buhay; at ang pinag-isang buhay ay nangangahulugan ng pag-aasawa.”



Malinaw na nakasaad sa Banal na Kasulatan na ang pakikipagtalik ay para sa kasal at ang kasal ay para sa pakikipagtalik. Binanggit ni Jesus mula sa Genesis (1:27, 2:24), nang magtanong Siya: "Hindi pa ba ninyo nababasa sa kasulatan na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae,' at Siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa?'"(Mateo 19: 4-5). Ang mga manunulat ng Banal na Kasulatan ay gumagamit ng sekswal na kadalisayan at katapatan sa pagitan ng mga asawa bilang isang imahe ng ating kaugnayan sa Diyos (tingnan ang Mga Awit ni Solomon at Oseas, pati na rin ang ika-16 na Kabanata ng Ezekiel). 



Kaya kung nais mong mailaan ang pakikipagtalik para lamang sa kasal, ang napakalaking katanungan ay paano? Paano ka iiwas sa pakikipagtalik nang hindi isinasara ang iyong sekswalidad? 



Kung isasaalang-alang, hindi madali, maaari itong napakasakit—ngunit ito'y posible. Maraming kaming kilalang mga maliligayang mag-asawa na inilaan ang pagtatalik para sa kasal. Kung sakaling gusto mong malaman, kami mismo, sarili ay umiwas sa pagtatalik bago ang kasal. Sa pitong taon ng pakikipagtipan ay mayroon kaming mga bahagi ng mga madamdaming sandali at maraming mga nakakaakit na sitwasyon, ngunit nanatili kaming tapat sa aming desisyon na maghintay. Sa pagbabalik-tanaw sa aming buong relasyon, nananatili ito bilang isa sa mga pinakamahusay na desisyon na aming nagawa. Kami ay nagkaroon ng maraming oras upang umunlad sa mga likas na yugto ng pisikal na pagpapalagayang-loob habang ang aming permanenteng pangako sa bawat isa ay umusad.



Ang sekreto sa paglalaan ng pagtatalik para sa kasal ay matatagpuan sa isang salita: mga hangganan. Ang mga mag-asawa na umiwas sa pagtatalik nang hindi isinara ang kanilang sekswalidad ay natutong magtakda ng mga tiyak na hangganan at nanatili sa kanila. Gumawa sila ng intensyonal, sadya, at mga pagpipilian tungkol sa kung hanggang saan sila pupunta.  


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

How to Save Sex for Marriage?

Sa tuwing may nagtatanong sa atin kung naniniwala tayo sa pakikipagtalik nang hindi kasal ay sumasagot tayo ng "oo at hindi." Ito ay isang nakalilitong sagot sa simula, ngunit nagbibigay ito sa atin ng pagkakataon upang ...

More

Nais naming pasalamatan ang Les Parrott para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://www.SYMBIS.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya