Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga resulta para sa: igos

Jeremias 24:2 (RTPV05)

Napakaganda ng mga igos sa unang basket, mga unang nahinog na bunga; ngunit napakasasama naman ng igos na nasa pangalawang basket, at hindi na maaaring kainin.

Mga Hukom 9:10 (RTPV05)

Sinabi nila sa igos, ‘Ikaw na ang maghari sa amin.’

Santiago 3:12 (RTPV05)

Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.

Marcos 11:13 (RTPV05)

Nakita niya sa di-kalayuan ang isang malagong puno ng igos. Nilapitan niya ito upang tingnan kung may bunga. Dahil hindi pa panahon ng igos noon, wala siyang nakita kundi mga dahon lamang.

Marcos 11:20 (RTPV05)

Kinaumagahan, pagdaan nila'y nakita nilang natuyo ang puno ng igos hanggang sa mga ugat nito.

Deuteronomio 8:8 (RTPV05)

Sagana rin doon sa trigo, sebada, ubas, igos, bunga ng punong granada, olibo at pulot.

Isaias 38:21 (RTPV05)

Si Isaias ay nagpakuha ng pantapal na igos para sa bukol ni Hezekias, at gumaling naman ito.

Mga Awit 105:33 (RTPV05)

Ang mga ubasan, mga punongkahoy katulad ng igos, ay kanyang nilagas, mga bunga nito'y hindi na nahinog.

Mateo 21:20 (RTPV05)

Nakita ng mga alagad ang nangyari at sila'y namangha. “Paanong natuyo agad ang puno ng igos?” tanong nila.

Lucas 21:29 (RTPV05)

At sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinhaga, “Tingnan ninyo ang puno ng igos at iba pang punongkahoy.

Mga Hukom 9:11 (RTPV05)

Ngunit sumagot ang igos, ‘Hindi ko maaaring itigil ang pagbibigay ng masasarap kong bunga upang pagharian ko lamang kayo.’

Pahayag 6:13 (RTPV05)

Nalaglag mula sa langit ang mga bituin, parang mga bubot na bunga ng igos kapag binabayo ng malakas na hangin.

Jeremias 29:17 (RTPV05)

Padadalhan ko sila ng digmaan, taggutom, at salot, at matutulad sila sa mga igos na bulok kaya't hindi na makakain.

Mga Kawikaan 27:18 (RTPV05)

Ang nag-aalaga sa punong igos ay makakakain ng bunga niyon; ang aliping may malasakit ay pararangalan naman ng kanyang panginoon.

Mateo 7:16 (RTPV05)

Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman?

Joel 2:22 (RTPV05)

Mga hayop, huwag kayong matakot, luntian na ang mga pastulan. Namumunga na ang mga punongkahoy, hitik na sa bunga ang igos at ang ubas.

Marcos 11:21 (RTPV05)

Naalala ni Pedro ang nangyari dito kaya't kanyang sinabi kay Jesus, “Guro, tingnan ninyo! Patay na ang puno ng igos na isinumpa ninyo.”

Isaias 28:4 (RTPV05)

Mabilis ang pagkawala ng kanyang nagniningning na kagandahan tulad ng pagkaubos ng mga unang bunga ng igos, na agad kinukuha at kinakain kapag nahinog.

Lucas 6:44 (RTPV05)

Nakikilala ang bawat puno sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakakapitas ng igos sa matitinik na halaman o ng ubas sa mga dawag.

Marcos 11:14 (RTPV05)

Kaya't sinabi niya sa puno ng igos, “Wala nang makakakain pa ng iyong bunga.” Ang sinabi niyang iyon ay narinig ng kanyang mga alagad.

Marcos 13:28 (RTPV05)

“Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag magulang na ang mga sanga nito at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw.

Isaias 34:4 (RTPV05)

Ang araw, buwan at mga bituin ay malalaglag at madudurog at ang kalangita'y irorolyong parang balumbon. Ang mga bituin ay malalaglag na parang mga tuyong dahon ng igos na nalalagas.

Mateo 24:32 (RTPV05)

“Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag ang mga sanga nito ay umuusbong at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw.

Juan 1:50 (RTPV05)

Sinabi ni Jesus, “Sumampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Higit pa riyan ang masasaksihan mo.”

Ang Awit ni Solomon 2:13 (RTPV05)

Ang mga puno ng igos, hinog na ang bunga, at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na. Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya