Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga resulta para sa: Isopo

Mga Bilang 19:6 (RTPV05)

Habang sinusunog ito, ang pari ay kukuha naman ng kahoy na sedar, ng hisopo at lana, at isasama sa bakang sinusunog.

Juan 19:29 (RTPV05)

May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng hisopo at idiniit sa kanyang bibig.

Levitico 14:49 (RTPV05)

Upang lubos itong luminis, kukuha ang pari ng dalawang ibon, kapirasong kahoy na sedar, pulang lana at hisopo.

Levitico 14:5 (RTPV05)

Ipapapatay sa kanya ng pari ang isang ibon sa tapat ng isang bangang may tubig na galing sa bukal.

Levitico 14:50 (RTPV05)

Papatayin niya ang isa sa mga ibon at ang dugo nito'y patutuluin sa isang bangang may tubig na galing sa bukal.

Mga Bilang 19:18 (RTPV05)

Pagkatapos, ang isa sa mga itinuturing na malinis ay kukuha ng sanga ng hisopo, ilulubog ito sa tubig at wiwisikan nito ang tolda, ang mga kagamitan dito, at ang lahat ng taong nakahawak ng patay, kalansay o libingan.

Levitico 14:51 (RTPV05)

Ang kapirasong sedar, ang pulang lana, ang hisopo at ang buháy na ibon ay itutubog niya sa banga. Pagkatapos, wiwisikan niya ng pitong beses ang bahay.

Mga Bilang 19:5 (RTPV05)

Pagkatapos, ang baka'y susunugin nang buo sa harapan ng pari, pati balat, dugo at dumi.

Levitico 14:4 (RTPV05)

magpapakuha ang pari ng dalawang ibong buháy at malinis, kapirasong kahoy na sedar, pulang lana at hisopo.

Mga Bilang 19:7 (RTPV05)

Pagkatapos, lalabhan ng pari ang kanyang kasuotan, maliligo siya, saka papasok sa kampo. Ituturing siyang marumi ayon sa Kautusan hanggang kinagabihan.

Levitico 14:52 (RTPV05)

Sa gayon, magiging malinis na ito.

Mga Hebreo 9:19 (RTPV05)

Matapos ipahayag ni Moises sa mga tao ang bawat alituntunin sa Kautusan, kinuha niya ang dugo ng mga baka at ng mga kambing at hinaluan niya iyon ng tubig. Kumuha siya ng pulang lana at sanga ng hisopo, at isinawsaw iyon sa dugong may halong tubig. Winisikan ang aklat ng Kautusan at ang mga tao.

Mga Hebreo 9:18 (RTPV05)

Maging ang naunang kasunduan ay hindi pinagtibay kung hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga hayop na inihandog.

Mga Hebreo 9:20 (RTPV05)

Kasabay nito'y kanyang sinabi, “Ito ang dugong nagpapatibay sa tipan na ibinigay ng Diyos at ipinapatupad sa inyo.”

Juan 19:28 (RTPV05)

Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya't upang matupad ang kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!”

Mga Bilang 19:17 (RTPV05)

“Ang mga itinuturing na marumi dahil sa paghawak sa patay, kalansay o libingan ay kukuha ng abo na galing sa sinunog na handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Ilalagay ito sa isang palangganang may sariwang tubig.

Levitico 14:6 (RTPV05)

Itutubog niya sa dugo nito ang ibong buháy, ang kahoy na sedar, ang pulang lana at ang hisopo.

1 Mga Hari 4:33 (RTPV05)

Nakapagpapaliwanag siya tungkol sa lahat ng uri ng halaman: mula sa sedar ng Lebanon hanggang sa hisopong tumutubo sa pader. Naipapaliwanag din niya ang tungkol sa mga hayop na lumalakad o gumagapang sa lupa; gayundin ang tungkol sa mga ibon at mga isda.

Mga Awit 51:7 (RTPV05)

Ako ay linisin, sala ko'y hugasan at ako'y puputi nang lubus-lubusan.

Mga Bilang 19:19 (RTPV05)

Sa ikatlo at ikapitong araw, ang itinuturing na marumi ay wiwisikan ng sinumang itinuturing na malinis. Pagkatapos, lalabhan ng itinuturing na marumi ang kanyang kasuotan at siya'y maliligo; sa kinagabihan, ituturing na siyang malinis.

Levitico 14:48 (RTPV05)

“Kung makita ng pari na hindi naman kumakalat ang amag pagkatapos palitadahang muli ang bahay, ipahahayag niyang ito'y malinis na.

Juan 19:30 (RTPV05)

Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Exodo 12:22 (RTPV05)

Kumuha kayo ng sanga ng halamang hisopo, basain ito ng dugo ng tupa at ipahid sa magkabilang poste at itaas ng inyong pintuan. At isa man sa inyo ay huwag lalabas ng bahay hanggang kinabukasan.

Levitico 14:53 (RTPV05)

Pakakawalan naman niya sa kaparangan ang buháy na ibon. Sa gayon, matutubos ang bahay at muling ituturing na malinis.”

Levitico 14:3 (RTPV05)

sa labas ng kampo at susuriin. Kung magaling na ang maysakit,

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya