Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga resulta para sa: igos

1 Samuel 25:18 (ASND)

Walang sinayang na oras si Abigail. Nagpakuha siya ng 200 tinapay, dalawang balat na sisidlan na puno ng katas ng ubas, limang kinatay na tupa, isang sako ng binusang trigo, 100 dakot ng pasas, at 200 dakot ng igos. Pagkatapos, ipinakarga niya ito sa mga asno,

2 Hari 18:31 (ASND)

“Huwag kayong makinig kay Hezekia! Ito ang ipinapasabi ng hari ng Asiria: Huwag na kayong lumaban sa akin; sumuko na lang kayo! Papayagan ko kayong kainin ang bunga ng inyong mga ubasan at mga puno ng igos at inumin ang tubig sa sarili ninyong mga balon,

1 Cronica 12:40 (ASND)

Nagdala rin ng pagkain ang mga kamag-anak nilang mula pa sa malayong lugar ng Isacar, Zebulun at Naftali. Ikinarga nila ito sa mga asno, kamelyo, mola at baka. Marami ang kanilang harina, igos, mga pinatuyong pasas, katas ng ubas at langis, baka at tupa. Masayang-masaya ang lahat sa Israel.

Nehemias 13:15 (ASND)

Nang oras na iyon, may nakita akong mga taga-Juda na pumipisa ng mga ubas sa Araw ng Pamamahinga. Ang iba sa kanila ay nagkakarga ng mga trigo, alak, ubas, igos, at iba pang mga bagay sa mga asno para dalhin sa Jerusalem at ipagbili . Kaya pinagsabihan ko sila na huwag ipagbili ang mga produkto nila sa Araw ng Pamamahinga.

Jeremias 24:1 (ASND)

May ipinakitang pangitain sa akin ang Panginoon pagkatapos bihagin ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia si Haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoyakim. Si Jehoyakin ay dinala sa Babilonia pati ang mga pinuno niya at ang mahuhusay na panday at manggagawa ng Juda. Sa pangitain ko, nakita ko ang dalawang basket na igos na nasa harap ng templo ng Panginoon .

Hosea 9:10 (ASND)

Sinabi ng Panginoon, “Mga taga-Israel, noong piliin ko ang mga ninuno ninyo na maging aking mga mamamayan, tuwang-tuwa ako . Gaya ng taong tuwang-tuwa nang makakita ng ubas na tumubo sa disyerto o nang makakita ng unang bunga ng puno ng igos. Pero nang pumunta sila sa Baal Peor, itinalaga nila ang kanilang sarili sa mga nakakasuklam na dios-diosan, at naging gaya sila ng mga kasuklam-suklam na dios-diosang iyon na kanilang iniibig.

Mateo 21:20 (ASND)

Namangha ang mga tagasunod ni Jesus nang makita nila iyon. Sinabi nila, “Paanong natuyo kaagad ang puno?”

Jeremias 24:4 (ASND)

Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon ,

Santiago 3:11 (ASND)

Maaari bang lumabas sa iisang bukal ang matabang na tubig at ang maalat na tubig? Hindi!

Santiago 3:13 (ASND)

Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya na talagang marunong siya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay na may pagpapakumbaba.

Marcos 11:12 (ASND)

Kinabukasan, nang umalis sila sa Betania pabalik sa Jerusalem , nagutom si Jesus.

Juan 1:49 (ASND)

Sinabi ni Natanael, “Guro, kayo nga ang Anak ng Dios! Kayo ang hari ng Israel!”

Marcos 11:14 (ASND)

Sinabi ni Jesus sa puno, “Mula ngayon, wala nang makakakain ng bunga mo.” Narinig iyon ng mga tagasunod niya.

Mateo 21:18 (ASND)

Kinaumagahan, nang pabalik na sina Jesus sa lungsod ng Jerusalem, nagutom siya.

Lucas 21:30 (ASND)

Kapag nagkakadahon na ang mga ito alam ninyong malapit na ang tag-init.

Mateo 7:15 (ASND)

“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo.

Lucas 21:28 (ASND)

Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, umasa kayo at maghintay dahil malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

Mateo 7:17 (ASND)

Ang mabuting puno ay namumunga ng mabuting bunga, at ang masamang puno ay namumunga ng masama.

Marcos 13:29 (ASND)

Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na akong dumating.

Marcos 11:19 (ASND)

Kinagabihan, umalis si Jesus sa Jerusalem kasama ang mga tagasunod niya.

Mateo 24:33 (ASND)

Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang lahat ng sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na akong dumating.

Marcos 13:27 (ASND)

Ipapadala ko ang aking mga anghel sa lahat ng lugar sa mundo upang tipunin ang aking mga pinili.”

Hukom 9:12 (ASND)

“Pagkatapos, sinabi nila sa ubas, ‘Ikaw na lang ang maghari sa amin.’

Isaias 38:20 (ASND)

Panginoon , iniligtas nʼyo po ako, kaya sa saliw ng tugtog, aawit kami sa inyong templo habang kami ay nabubuhay.

Lucas 13:5 (ASND)

Hindi! Ngunit tinitiyak ko sa inyo: mapapahamak din kayo tulad nila kung hindi nʼyo pagsisisihan ang mga kasalanan ninyo.”

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya