Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa

Conversations With God

ARAW 9 NG 14

Minsan ang susunod na hakbang sa panalangin ay magparaya. Ang dambanang ito ng kaluluwa ay isang tiyak na oras at lugar kung saan pinalalaya o isinusuko natin ang ating sariling hangarin sa Diyos at iwan ang resulta sa Kanyang pamamahala. Sa mga sandaling ito inilalagay natin ang pinakamamahal na bahagi ng kung sino tayo at ang ating mga minamahal sa harapan Niya at magpaubaya-hindi alam kung ano ang susunod na mangyayari. Ang sandaling ito na nag-iisa at nakabitin ay maaaring magbigay ng pakiramdam ng matinding peligro 



Ang pagpapaubaya ay isang pahiwatig na pagdarasal na nakatuon sa isang relasyon sa pag-ibig kay Jesus. Dahil alam Niya na ang pagpapaubaya ng ating mga hangarin para sa ating sarili at para sa ating mga mimamahal ay puno ng sakit-alam Niya ito mula sa personal na karanasan-pinananatili tayo ni Jesus sa gitna nito. Sa ating pagpapaubaya, ang Espiritu ay nagbibigay ng daluyong ng biyaya, at ang Kanyang presensya ay nagiging isang bendisyon. Purihin ang Kanyang pangalan! Habang nagpapaubaya tayo, nagpapatihulog tayo sa Kanyang mga kamay ng Pagibig.



Sandali kang huminto kasama ko at alalahanin ang mga bayani sa Biblia, kasaysayan at kasalukuyang panahon na pinaka-nakaapekto sa ating mga buhay. Isa sa mga kapansin-pansing pagkaka-pareho ng ating mga hinahangaan ay ang kanilang karanasan sa altar. Sa sandaling ito ang kanilang unang tinukoy na mga hangarin ay dagling humihinto para magbigay-daan sa mas mataas na layunin ng Diyos para sa kanilang buhay, at pinipili nilang isuko ang kanilang sarili-kahit na ang ibig sabihin nito ay sakripisyo o paghihirap. Hindi maiiwasan, ang matinding paghihirap ng kanilang pagbitiw ay ang kanilang pinakamagandang oras, at ang mga susunod na pangyayari ay magdadala ng pangmatagalang impluwensya. Gayundin naman, kapag isinuko natin ang nauna na nating inisip na hangarin at tinanggap ang kalooban at pagtawag ng Diyos, sumasali tayo sa isang dakilang kwentong epiko, isang Kahariang pakikipagsapalaran na dadalhin tayo sa lampas sa ating mga sarili. 



Pero ano ang mangyayari kung makita natin ang kahalagahan ng panalangin ng pagpaparaya, pero masyado tayong takot na ipanalangin ito-sa ngayon? Ang susunod na pinakamahusay na panalangin ay "Panginoon, handa po akong gawin mong pumapayag". Ang pagpunta sa gitna, ay nagpapakawala sa Kanyang lakas para magsimulang gawing posibleng tapusin ang buong transaksyon. "[Hindi sa iyong sariling lakas] dahil ang Diyos ang simula't simulang nagtatrabaho sa iyo [pinalalakas at binubuo sa iyo ang kapangyarihan at pagnanasa], para hangarin at para gumawa para sa Kanyang kasiyahan at kaluguran at kagalakan” (isinalin mula sa Phil. 2:13, AMPC). Maaari nating pagtiwalaan ang Diyos sa bawat yugto ng ating pagpaparaya. Walang bagay ang napakahirap para sa Kanya, at lahat ng mahal natin ay ligtas sa Kanya. 


Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Conversations With God

Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo...

More

Nais naming pasalamatan si Susan Ekhoff sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.amazon.com/Prayer-That-Must-Power-Conversational/dp/1496185560/ref=sr_1_1?ie=UTF8&qid=1498693709&sr=8-1&keywords=prayer+that+must%2C+the+power+of+conversational+prayer

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya