Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Anim na Araw ng mga Pangalan ng DiyosHalimbawa

Six Days Of The Names Of God

ARAW 3 NG 6

ARAW 3: JEHOVAH JIREH – ANG DIYOS ANG MAGBIBIGAY 


Hindi ka sigurado kung paano mong babayaran ang mga bayarin sa buwang ito. Hindi mo sigurado ang lagay ng iyong pakikipag-ugnayan. Narinig mo na magkakatanggalan sa trabaho, at ang posisyon mo sa kumpanya ay hindi tiyak. Kapag ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay ay nakataya—kalusugan, pananalapi, tahanan, pagkain, pamilya, trabaho—sa panahong iyan mo kailangang tumawag sa iyong Jehovah Jireh. Ang pinagpalang pangalang ito ng Diyos ay nangangahulugang "ang Diyos ang magbibigay," at ang pangalang ito ay puno ng lakas at kapangyarihan.


Kapag may takot tayo patungkol sa ating hinaharap, kailangang bumaling tayo sa Diyos at tumawag sa Kanyang pangalan. Ang bawat mabuti at ganap na kaloob ay nanggagaling sa Kanya, at walang limitasyon sa mga kaloob at biyayang ibinibigay Niya. Kung minsan, ang pananampalataya natin sa Kanya ang tanging paraan para matahimik ang ating takot at mapanatili ang isang positibong kaisipan.


Maaari itong maging isang mahirap na aral na matutunan, pero ang mga pagsubok dito sa mundo ay nagpapalakas sa ating mga espirituwal na kalamnan at ginagawa nitong mapalapit tayo sa Diyos. Sa pamamagitan ng ating pakikibaka, ipinapakita Niya kung paanong nagbibigay Siya ng hangin para sa ating mga baga at liwanag para tayo'y makakita. Ibinibigay Niya kung anong kailangan natin para maranasan natin ang pinakamabilis na paglago at ang pinakamatinding epekto para sa Kanyang kaharian. At lagi Niyang ipinagkakaloob ito sa espiritu ng pag-ibig.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Six Days Of The Names Of God

Mula sa mapakaraming mga pangalan ng Diyos, ipinahayag Niya sa atin ang mga aspeto ng Kanyang katangian at ng Kanyang kalikasan. Bukod sa Ama, Anak, at sa Banal na Espiritu, ipinapakita ng Biblia ang higit sa 80 iba't ib...

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative at si Tony Evans sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya