Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ruth ChallengeHalimbawa

Ruth Challenge

ARAW 4 NG 4

IKAW AY TINUBOS!



Isang representasyon ang kwento ni Ruth kung paano tayo tinubos ni Cristo at hindi ng kautusan. Tinanggihang angkinin ng 'pinakamalapit na kamag-anak' ang lupain at si Ruth sapagkat isa siyang Moabita, isang hentil, isang taong kinikilala bilang hiwalay sa hinirang ng Diyos. Nasa kanya ang lahat ng karapatan, dahil sumusunod lamang siya kung anong isinasaad ng 'kautusan'. NGUNIT, hindi napigilan ng kautusan na matubos si Ruth. Naroroon si Boaz at HANDA siyang tanggapin si Ruth kung anupaman siya. Anuman ang kanyang pinanggalingan, ninais Siya ni Boaz. Wala akong ibang nakikitang motibo sa ikinilos niya maliban sa tunay na PAG-IBIG!



Naroroon ang sampung pinuno ng bayan upang maging saksi sa dalawang bagay. Una, sinaksihan nila na ang mas malapit na kamag-anak ay hindi kayang tubusin si Ruth at ikalawa, sinaksihan nilang kaya ni Boaz. Ang sampung pinunong ito ang kumakatawan sa Sampung Utos upang ipakita sa atin na hindi kaya ng kautusan na makapagligtas, ngunit ihahatid tayo ng mga ito sa kung sino ang may kaya. Inilagay ang kautusan upang pamunuan tayo patungo kay Cristo na nagpapakita na Siya lamang ang makapagliligtas sa atin, upang mapawalang-sala tayo sa pananampalataya.



Ang kwento ni Ruth ay nagpapahiwatig ng dakilang gawain ng pagliligtas na magaganap sa Bagong Tipan. Ipinapakita nito ang magandang kapalit na ginawa ni Cristo. Perpekto ang Kanyang kautusan, ngunit dahil sa Kanyang pag-ibig para sa atin (dahil sa pag-ibig ni Boaz para kay Ruth) ipinasiya Niyang iligtas tayo noong hindi tayo kayang iligtas ng kautusan at nang ating mga sarili.



BINABAGO NG DIYOS ANG TAKBO NG MGA BAGAY



Mula sa naghihinanakit na babae tungo sa isang pinagpalang babae sa Israel. Nagsimula ito sa hinanakit, ngunit natapos nang may ngiti. Nakita natin kung paano tuluyang nagbago ang buhay ni Ruth. Mula sa pagiging isang balong hentil, na malayo sa Diyos, naging ina siya ng isang linya ng henerasyon na pinagmulan hindi lamang ni Haring David, bagkus isang araw magbibigay sa mundo ng kanilang Tagapagtubos, si Jesus.



Hindi lamang tungkol kay Ruth, Naomi, at Boaz ang kwentong ito. Tungkol rin ito sa ating relasyon kay Jesus at ang Kanyang pagtubos sa atin! Maaaring nakakadama ka nang tulad ni Naomi - naghihinanakit sa Diyos. O katulad ni Ruth - malayo sa kaalaman ng tunay na Diyos. Kahit pa napakalayo mo tulad nila noon, patunay ang kwentong ito na kayang baguhin ng Diyos ang mga bagay-bagay at gumawa ng napakaganda, mula sa wala... at gustong-gusto ng Diyos na gumawa ng 'sinuman', mula sa 'walang sinuman.'



Ano ang iyong mga kaisipan? #RuthChallenge
Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Ruth Challenge

Isa itong 4 na araw na hamon upang basahin ang 4 na kabanata sa aklat ni Ruth - isang dakilang kwento ng pag-ibig sa Biblia. Hahamunin ni Ruth ang iyong kaalaman tungkol sa mga relasyon at tutulungan ka niyang makita ang...

More

We would like to thank Kanayo Dike-Oduah for providing this plan. For more information, please visit: www.doctorkanayo.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya