Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pag-asaHalimbawa

Hope

ARAW 1 NG 3

  • Napansin mo na ba na kapag pinupuri mo ang Diyos, ikaw ay mas napupuno ng pag-asa? Magkasama palagi ang Pag-asa at Papuri. Purihin mo ang Diyos para sa isang bagay ngayon. Kung nawawalan ka ng pag-asa, mapupuno ka ng mas marami nito! Isang pagpili ang pag-asa. Patuloy mo itong piliin, hindi ang kawalan nito. Hindi ka maaaring sabay na magkaroon at mawalan ng pag-asa. Nasa sa iyo ang pagpili. Ang Diyos ay mapagkakatiwalaan. Ang Diyos ay MABUTI.  Awit 71:14
  • Lahat ng iyong mga ninanais ay maaaring matugunan ng Diyos. Kung ikaw ay nalulumbay, tanungin mo ang iyong sarili "Ako ba ay umaasa sa isang bagay maliban sa Diyos?" Walang nakikita ang nakapagbibigay ng tunay na pag-asa. Kapag ikaw ay umaasa sa tao o mga bagay o kahit pa sa mga kaganapan ay makakaramdam ka ng pagkadismaya. Mahirap ang maghintay. At walang makapagbigay nang lubos na kaligayahan nang pangmatagalan. Lahat ng iyong mga ninanais ay maaaring matugunan ng Diyos! 
    Kawikaan 13:12
  • Ang kaaway - si Satanas - ay bumubulong sa iyong tainga: "Walang nakakaunawa nang kawalan ko ng pag-asa." Iyan ay isang KASINUNGALINGAN. Kung pinaniniwalaan mo ito, hinahayaan mo ang iyong sarili na maging kaawa-awa. NGUNIT, HINDI ka nag-iisa. Palagay mo ba ay hindi ka nauunawaan ng Diyos? Baka sa tingin mo ay napapagod na Siyang makinig sa iyo sa pagsasabi mong durog na naman ang iyong puso? Huwag mong paniwalaan 'yan. Mahal na mahal ka Niya nang LUBUSAN. Bibigyan ka Niya ng lakas upang magpatuloy. At tiyak na mas palalakasin ka niya! 
    Isaias 40:28-29
  • Sinasabi ng tao: "May ilang bagay na imposibleng magawa ng Diyos." Napakakitid, 'di ba? Subalit, karamihan sa atin ang nahuhulog sa kasinungaling na iyan. Dapat ay dalasan, at malakas nating ipaglaban na "Walang hangarin ang Diyos na maaaring mapigilan." Hindi kailanman matatalo ang Tagapaglikha ng sansinukob. Alam Niya ang pinakamabuti! 'Yang uri ng pananampalataya ang nagbibigay ng pag-asa sa akin! 
    Job 42:2

Ang mga sipi ng Kasalutan sa itaas ay nasa sa aming mobile App, Mac o Windows na programa sa  MemLok Marami pang MemLok na Gabay   


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Hope

PAG-ASA Tingnan natin ang ilang Mga Bersikulo sa Biblia tungkol sa pag-asa. Nais ng Diyos na ikaw ay maging mapayapa, walang takot, puno ng pananampalataya at pag-ibig, tama? Hindi Niya gugustuhin na ikaw ay mabalisa o m...

More

Nais naming pasalamatan ang MemLok, isang Bible Memory System, para sa isktraktura ng babasahing ito. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa MemLok, bisitahin ang http://www.MemLok.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya