Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Para sa Kagalakang Nakatakda sa Kanya: Isang Debosyonal para sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

For the Joy Set Before Him: An Easter Devotional

ARAW 1 NG 8

“Hosana!” ay ang salitang nagsimula sa pinaka eksplosibong 7 araw sa buong kawalang-hanggan. Wala nang darating pang linggo, ni salita, na magbibigay ng pinakamalaking epekto sa bawat buhay sa naitalang kasaysayan.



Linggo ng Paskuwa noon sa Jerusalem at halos 2.5 milyong tao ang nagsisiksikan sa mga lansangan ng sinaunang lungsod. Ang lahat ng mga kalalakihang may sapat na edad ay inatasang magpunta sa Jerusalem tatlong beses sa loob ng isang taon at isa ang Linggo ng Paskuwa sa mga panahong iyon. Napapanahong linggo para itanghal ang isang Hari!



Habang dumadaan si Jesus sa masikip na lansangan, ang karamihan sa mga tao ay naghagis ng kanilang balabal sa Kanyang daraanan. Naaangkop, ganito ang makasaysayang paraan kung paano sinasalubong ng mga tao ang isang matagumpay na hari sa kanyang pagdating mula sa digmaan.



Ang nagdiriwang na mga taong ito ay pumutol din ng mga sanga mula sa mga puno sa daraanan at inihagis sa harapan ng Hari at ng Kanyang asno. Iwinagayway nila ang mga sanga sa itaas ng kanilang mga ulo habang ipinapahayag, "Pinagpala ang dumarating sa Pangalan ng Panginoon! Hosana sa kataas-taasan!”



Ang mga taong ito ay mananampalataya! Kanilang ipinapahayag, “Lahat ng mayroon kami ay sa Iyo, Jesus!”



Ikaw ba ay mananampalataya?



Sa pagpasok ni Jesus sa ating buhay, ang ating Jerusalem, dapat tayong tumugon nang may buong-pusong pagsunod at tunay na pagpupuri. Dapat tayong pumasok sa karanasan ng pagsamba na sa sobrang sigla ay nakakaya nating isakripisyo ang ating ginhawa at tradisyon.



Ang presensya ba ni Jesu-Cristo ay nagdulot ng tunay na pagyanig sa iyong buhay? Tinugon mo ba ang Kanyang matagumpay na pagpasok sa pamamagitan ng walang habas na ganap na pagsamba?



Kapag naharap sa pagiging Hari ni Jesu-Cristo, marami sa atin ang nag-aalinlangan at tumatangging baguhin ang ating paraan ng pagsamba. Ang isang tunay na karanasan kasama ang Anak ng Diyos ay dapat na nagtutulak sa atin sa pagsambang higit ... lampas-lampas ... sa opisyal na paraan ng katanggap-tanggap na pagsamba.



Habang inihahanda natin ang ating mga puso at buhay para sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, dapat na sumama muna tayo sa mga boses ng kasaysayan at ipahayag ng buong giting at katapatan, ''Hosana sa kataas-taasan!”



Karapatang magpalathala 2013 ni Carol McLeod, nakalaan ang lahat ng mga karapatan. Si Carol McLeod ay ang tagapagtatag ng Just Joy Ministries, na ang misyon ay magbigay inspirasyon sa mga kababaihan sa lahat ng antas ng pamumuhay na tumuon ng mas malalim sa Biblia, at lumago sa kanilang personal na relasyon sa Panginoon. Marami pang impormasyon ang makikita sa www.JustJoyMinistries.com.
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

For the Joy Set Before Him: An Easter Devotional

Ang huling linggo sa buhay ni Jesus ay hindi ordinaryong linggo. Iyon ay oras ng mga masaya ngunit malungkot ding pamamaalam, pagbibigay nang labis, malupit na pagtataksil at mga panalangin na yumanig sa langit. Damhin a...

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya