Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Lalaki sa Gitna ng Krus: Pitong Araw na Babasahing Gabay sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

The Man on the Middle Cross: A 7-Day Easter Reading Plan

ARAW 1 NG 7




ANG PANGAKO NG PARAISO

“Sinabi niya, ‘Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.’ Sumagot si Jesus, ‘Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.’” LUKE 23:42-43 (RTPV05)

Si Jesus ay ipinako sa krus sa pagitan ng dalawang hinatulang kriminal—at ang mga kriminal na iyon ay kapwa nakarinig ng mga salita ni Cristo, subalit magkaiba ang tugon nila. Ang unang lalaking naghihingalo ay itinuring ang krus bilang isang kontradiksyon. Sinabi Niya na dahil si Jesus ay nasa krus, hindi Siya ang Tagapagligtas. Kaya tinuya niya ang lalaki sa gitnang krus: “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami!” (Lucas 23:39). Ngunit ang ikalawang lalaki ay nakita ang krus bilang pagpapatunay. Nakilala niya ito dahil si Jesus ay nasa krus, Siya ang Tagapagligtas.


Ang dating matigas na kriminal na ito ay nakakita at nakarinig nang sapat tungkol kay Jesus sa Kanyang huling sandali upang pagpasiyahan na Siya ay inosente sa anumang krimen. At ang Banal na Espiritu ay nagbukas ng kanyang mga mata upang mapagtanto na ang kanyang kalagayan ay mas higit na malaki at iba sa una niyang naisip. Hindi lamang makatarungan ang kaparusahan sa kanya, tinatanggap ang kaparusahang marapat sa mga kasalanan niya, kundi ang kanyang kaparusahan ay aabot sa kawalang-hanggan kung wala siya ng kapatawaran na sinabi ni Jesus.


Kasunod ng pang-unawang ito, ang lalaking nahatulan ay mapagpakumbabang humiling kay Jesus para sa alam niyang hindi siya karapat-dapat: “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Malamang na sinuri na niya ang mga ebidensiya, at sa huli ay nasabi niya, Kung ang taong ito ay ang Mesias, kung gayon Siya ang matagal nang ipinangako na Hari. Kung Siya ang Hari na iyon, Siya ay magkakaroon ng kaharian—ang walang hanggang kaharian ng Diyos. At kapag nakarating na Siya sa Kanyang kaharian, marahil maaalala Niya ako pagdating Niya doon.


Kahanga-hanga ang tugon ni Jesus: “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.” Hindi lamang ipinangako ni Jesus na ang taong ito—maging ang taong ito—ay pupunta sa langit, kundi binigyang-diin din Niya ang kagyat na kalikasan ng katotohanan na iyon para sa taong ito na naghihingalo: “ngayon”! Marahil naiisip natin sila na tinatapos ang kanilang pag-uusap na hindi nakabayubay sa krus sa Kalbaryo kundi nakaupo sa kaharian ng Diyos.


Ang kriminal na ito ay hindi nag-alok ng anuman at humiling sa Hari ng lahat. At sinabi Niya na oo. Ito ay hindi dapat mawala sa atin at magbigay sa atin ng katiyakan, dahil ikaw at ako ay nasa parehong kalagayan ng kriminal na iyon. Wala tayong dadalhin kay Jesus, na para bang ang ating mga gawa ay susi na magbubukas ng daan sa Kanyang kaharian. Ang dala natin ay ang lahat na dinala ng kriminal: ang ating kasalanan. Kaya iyan ang dahilan kung bakit si Jesus ay nabayubay sa krus: upang madala natin ang ating kasalanan sa Kanya at upang kunin Niya ito at pasanin ito. Ito ang dahilan kaya ang pangako ni Jesus sa kriminal ay pangako Niya rin sa bawat mananampalataya na mamamatay: “Isasama kita ngayon sa Paraiso.” Hayaang ang kaalaman na iyon ay maging iyong kagalakan at pampaningas para sa iyong pagpupuri ngayon. Balang araw, ikaw—maging ikaw—ay makakasama ang iyong Hari sa paraiso.


  • Paano ako tinatawag ng Diyos upang mag-isip nang may kaibahan?
  • Paano isinasaayos muli ng Diyos ang pagmamahal ng aking puso—kung ano ang aking gusto?
  • Ano ang tinatawag sa akin ng Diyos na gawin habang nagpapatuloy ako sa aking araw ngayon?





Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Man on the Middle Cross: A 7-Day Easter Reading Plan

Halos lahat ay sumasang-ayon na ang mundong ito ay wasak. Pero paano kung may solusyon? Ang pitong araw na gabay na ito para sa Pasko ng Pagkabuhay ay nagsisimula sa isang kakaibang karanasan ng magnanakaw sa krus at isi...

More

Ang Debosyonal na ito ay mula sa ‘Truth For Life,’ ang pang araw-araw na debosyonal ni Alistair Begg, inilathala ng The Good Book Company, thegoodbook.com. Ginamit ng Truth For Life na may pahintulot. Copyright (C) 2022, The Good Book Company.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://tfl.org/365

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya