Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagpapatawad Para Sa Mga Nakasakit Sa AtinHalimbawa

Forgiving Those Who Wound Us

ARAW 1 NG 7

Ang Kagandahan ng Pagpapatawad

Ang pagpapatawad na naaayon sa Biblia ay tuwiran at tiyakang pinangangasiwaan ang mga personal na kapinsalaan, gaano man ito kalalim o gaano man katagal na itong nakalipas. Kapag sinusuri natin ang mga pagkakamali sa nakaraan, mahalagang matukoy ang mga kasalanang ito nang tama. Sa paggawa natin nito, natutukoy at naaamin nating ang tunay na suliranin. Sa Banal na Kasulatan ang salitang “aminin” ay nangangahulugang “umayon” sa paksa. Kapag tama ang inaamin nating kasalanan, umaayon tayo sa Diyos sa tunay na kalikasan ng suliranin sa pagitan natin at ng ibang tao.

Binigyan ni Jacob ang kanyang mga anak ng napakahusay na payo; sinabi niya sa mga ito kung ano ang mismong sasabihin nila:“Nawa ay patawarin mo ang iyong mga kapatid sa napakalaking kamalian nila sa iyo—sa malupit na pakikitungo nila sa iyo.” Ang tinatawag na “napakalaking kamalian” ay maaari ring tawaging “kasamaan” Sa sandali ng pag-amin ay maaaring paliitin nating ang ating mga kasalanan o ang mga kasalanan ng iba. Ang inasal ng mga kapatid ni Jose sa kanya ay talagang napakasama. Alam na alam ni Jose kung gaano sila kasama. Ito ang kabigatang dala-dala ng kanyang mga kapatid sa loob ng maraming taon, ang kabigatang naging dahilan ng kanilang takot kay Jose—at dapat naman talaga! Naging napakasama nila sa taong ngayon ay hahatol sa kanila. Ngunit nang kanilang inamin ang kanilang kasamaan, ginantihan ba sila ni Jose ng higit na kasamaan din? Hindi! Umiyak si Jose! Nakita niya na ang mga layunin ng Diyos ay naganap sa pamamagitan ng kasamaang ginawa ng kanyang mga kapatid. Dahil dito ay napatawad niya at nabigyan ng kaginhawahan ng damdamin ang kanyang mga kapatid, at naibalik na muli ang tamang ugnayan niya sa mga ito.

Sinasabi sa 1 Juan 1:9 na, “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.” Ito ang kagandahan ng pagpapatawad! Maaaring abutin ng pagpapatawad ang pinakamalim na pagkakamali kahit maraming taon na ang nakakaraan, at napapalaya nito ang mga tao mula sa mga kabigatang dala-dala nila maging simula pa lamang sa kanilang pagkabata

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Forgiving Those Who Wound Us

Nagdurusa man tayo ng emosyonal o pisikal na sugat, ang pagpapatawad ay siyang pundasyon ng buhay Cristiano. Nakaranas si Jesu-Cristo ng hindi patas at hindi makatarungang pagtrato, maging ang hindi tamang kamatayan. Ngu...

More

Nais naming pasalamatan si Joni at Friends, International at Tyndale House Publishers, mga lumikha ng Beyond Suffering Bible, sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.beyondsufferingbible.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya