Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Boteng Alabastro Halimbawa

The Alabaster Jar

ARAW 1 NG 5

Lubos na Pagkakahantad 

Hindi ko malilimutan ang pagtira ko sa tahanan ng aking ‘my lady’ sa Cambodia sa aking unang paglalakbay sa ilalim ng Tearfund dahil permanente niyang binago ang buhay ko. ‘My lady’ ang tawag ko sa kanya, dahil, nakakahiya mang aminin, hindi ko masabi ang pangalan niya sa Khmer, kung kaya’t hindi ko ito matandaan. Ngunit ang ‘my lady’, isang pagtukoy ng paggalang, ay naglalarawan ng kabuuuang pagkatao niya.  

Wala siyang palikuran. Kailangan mong pumunta sa bukid. Iisa lang ang de-kamay na bomba ng tubig sa buong nayon na nagbibigay ng maberde-berdeng, malansang tubig, na iniinom ng buong nayon, maliban sa akin. Iisa lang ang bombilya sa kawayang kubo niya, na pinapagana ng baterya ng kotse. Nagluluto siya ng masasarap na pagkain sa isang siga. 

Ngunit mayroong isang espesyal na kakaiba sa aking ‘my lady’  Siya ay positibo sa HIV. Nakuha niya ito sa kanyang asawa, na nalalayo nang mahahabang panahon sa pagtatrabaho at nag-uwi ng sakit na ito sa kanilang pagtatalik. Namatay ang asawa niya ilang taon na ang nakararaan. Pinakita niya ang larawan ng asawa niya sa akin. Ang kuwadro nito ay maingat at buong-pagmamahal na pinalamutian ng mga papel na bulaklak. 

At dahil sa kanyang estado gabi-gabing may ritwal na ginagawa ang aking ‘my lady’. 

Sa harap ng larawan na ito, sa ilaw ng nag-iisang bombilya, sinusuot niya ang salaming ginawa niya mula sa pinagbalu-baluktot na alambre at dalawang lente; binubuksan ang kanyang Biblia at binabasa nang malakas ang siping napili niya; pagkatapos, buong-ingat niyang iniinom ang kanyang gamot. Saglit siyang titigil, yuyuko at magdarasal. 

At paanuman, sa silim na iyon, kasama ang salamin, Biblia at kanyang gamot, nasaksihan ko ang paglaya. Buhay sa gitna ng kamatayan. 

Kapag naiisip ko si Maria na nagbuhos ng pabango kay Jesus, ito ang matinding kahulugan na nadarama ko, lubos na pagkakahantad—pagsambang nakahantad hanggang sa pinakaibuturan. Ang buong kahulugan ng ‘pagsamba’ sa sinaunang Griego ay parang “pag-abante para humalik” Kapag tinatawag tayo ni Jesus sa pagsamba, tinatawag Niya tayo patungo sa matalik at malalim na personal na ugnayan kasama Siya. Mula sa aking ‘my lady’ at kay Maria, nakikita nating nangangailangan ito ng iyong buong sarili, iyong buong pagkatao, at iyong buhay. Ibuhos, lubos na nakahantad. 

Sa pagninilay natin sa kanilang mga kuwento, ipagdasal natin na matutunan din nating magsamba sa ganitong paraan.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Alabaster Jar

Isang buhay na inialay. Makikita natin ang isang halimbawa nito kay Maria na ibinuhos kay Jesus ang mamahaling pabango (Juan 12:1-8). Sa mga susunod na 5 araw, gawin natin ang ginawa ni Maria na pagbasag sa boteng alabas...

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: http://www.tearfund.org/yv

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya