Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 9 NG 88

Unang Linggo: Ang Hangin at ang mga Alon



ANG TUBIG NG KANYANG SALITA

Basahin ang Mateo 14:22-33



Nang madaling-araw na, pumaroon si Jesus sa kanila na naglalakad sa ibabaw ng dagat. Minsan masyado tayong natatakot sa mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin nakikitang gumagawa ang Diyos sa gitna ng mga ito. Lalo na kung ang pagsubok ay sunod-sunod. Nararamdaman mo ba ito? Kapag may tumama sa ating matindi at hindi natin nailagan o tumatama sa atin kung kailan hindi tayo matatag, maaring mawalan tayo ng kontrol. Maaring hindi natin makita ang alam nating tama. Pero hinayaan ba ito ng Panginoon para tulungan tayong palakasin ang kung ano ang iniisip nating alam na alam na natin? Totoo bang ALAM natin na ang Diyos ang may kontrol at naniniwala ba tayo doon sa lahat ng oras?



LUMAKAD SA KATOTOHANAN

Salungat sa kanila ang hangin, at sila ay sinasalpok ng mga alon. Mukhang walang kahihinatnan ang mga disipulo. Pero sinabi ng Diyos sa Kanyang salita, "Ako ang Diyos, dapat ninyong malaman" (Awit 46:10). Mahirap magtiwala sa katotohanan ng mga Salita ng Diyos kung hindi mabuti ang nangyayari sa iyo at pakiramdam mo ay malapit ka nang lumubog. Pakinggan ang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo bago siya ipako sa krus: "Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan Ko na ang sanlibutan!” (Juan 16:33) Ang mga alon ay mahusay na larawan ng mga kapighatian at paghihirap na ating nararanasan. Masyado tayong natutukso na ituon ang ating mga mata sa ating mga problema at hindi kay Jesus. Sa oras ng iyong pagdarasal, purihin ang Diyos dahil Siya ay Diyos at pinamumunuan Niya hindi lamang ang hangin kundi lahat ng alon sa buong mundo, kasama na ang sa iyo. Ikumpisal ang anumang kawalan ng paniniwala at pagdududa. Kung kinakailangan, humingi ng tulong tulad ng ginawa ni Pedro: "Panginoon, iligtas mo ako" (Mateo 14:30) Umpisahang basahin ang Juan 15 kapag may panahon ka. Makinig kay Jesus na parang kinakausap ka Niya at mahikayat.



ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO

Tahimik na bigkasin ang talata sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.



Mateo 14:31-33

Agad siyang inabot ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi Niya kay Pedro. Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin at sinamba Siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong Kayo ang Anak ng Diyos!”

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang...

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya