Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5

ARAW 5 NG 7

Ang ugali ng isang astronaut

Pinanghihina ako nitong aking karamdaman; gabi-gabi'y basa sa luha itong aking higaan, binabaha na sa kaiiyak itong aking tulugan. (Psalms 6:6)

Ang astronaut na si Shannon Lucid ay hindi nagplanong magtakda ng isang Amerikanong rekord sa oras na ginugol sa kalawakan. Gayunpaman, ang kanyang mga tungkulin ay kailangang pahabain ng isa't kalahating buwan pa dahil sa mga teknikal na problema sa shuttle rocket at dalawang bagyo. Bilang resulta, nanatili si Lucid sa kalawakan sa loob ng 188 araw at sinira ang rekord para sa tatag sa kalawakan sa Amerika at ang world record para sa babaeng kategorya. Bumalik siya sa lupa na may mga parangal mula sa mga pulitiko, NASA, at sa kanyang minamahal na pamilya.

Ang hindi naiulat sa record-breaking na balita ni Lucid sa Rusong space station na Mir, ay ang magandang reputasyon na mayroon si Lucid sa mga Rusong host nito. Ang reputasyon na ito ay nakabatay hindi lamang sa kanyang teknikal na kadalubhasaan bilang isang astronaut kundi pati na rin sa katotohanan na ang kanyang Rusong kasama ay hindi kailanman nakarinig kay Lucid ng reklamo sa loob ng anim na buwang kailangan niyang manirahan doon. Sa tuwing aabisuhan si Lucid tungkol sa pagkaantala ng shuttle rocket, tinatanggap lamang niya ang balita.

Napansin ni Valery Ryumin, tagapamahala ng kalawakan ng Russia, na parang isang Rusong cosmonaut ang naging reaksyon ni Lucid nang nagkarooon sila noon ng pinahabang misyon, "Ang mga Ruso ay sadyang pumipili ng mga cosmonaut na 'sapat na may malakas upang huwag magpakita ng damdamin' kapag tumatanggap ng masamang balita."

Ang pagrereklamo ay hindi lamang nagbibigay sa iyo ng negatibong damdamin, ito rin ay nanghahawa sa saloobin ng iba. Kahit na ang mga hindi kasiya-siya o nakakadismaya na mga sitwasyon ay maaaring maging positibo kung mayroon kang magandang saloobin at nagsasalita ng mga nakakapagpatatag na salita.

Maaaring gawing alak ni Jesus ang tubig, ngunit hindi Niya maaaring gawing anuman ang iyong mga reklamo.

Pagninilay: Ang pagrereklamo ay hindi makakabawas sa ating pasanin. Sa kabaligtaran, ito ay magpapapahina lamang sa atin. Maging matatag at matibay na tao kay Kristo! Magtiwala sa Kanya sa buhay na ito.

Ang kagalakan ay ganap na pagtitiwala na ang Diyos ang may kontrol sa bawat bahagi ng aking buhay.

(Paul Sailhamer)

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5

Bilang tao nais nating ang ating buhay paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa salita ng Diyos ay iba...

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya